Chapter 16

231 17 0
                                    

Yumi's POV

"Salamat" sabi ko pagkatapos ko bumaba ng kotse niya

"No problem" sabi niya at pinaandar na yung sasakyan niya

Nakatingin lang ako sa papalayong kotse niya. Nang hindi ko na ito masyadong makita nag desisyon na akong pumasok.

Pero hindi pa ako nakakailang hakbang naramdaman ko nalang na may humintong sasakyan sa likod ko.

Humarap ako at nakita ko kaagad ang isang itim na van. Lumabas ang tatlong lalake sa van, isa na doon yung sunod ng sunod sa amin doon sa grocery store. Lahat sila ay naka suot ng cap at mask. Isa sa kanila ay may hawak na tubo.

So they decided to show up.

Lumapit sa akin yung lalakeng sunod ng sunod sa amin kanina.

"Excuse me lang miss ah. May nakita ka bang babae na bumaba sa isang Lamborghini?" ngumiti naman ako

"Oo. I think she went that way?" sabay turo ko sa isang eskinita

Tumalikod na ako at akmang maglalakad na paalis ng biglang hilahin nung lalake ang braso ko. Kaagad akong humarap sakanya at tinignan siya ng masama.

Susuntukin niya sana ako pero kaagad akong umiwas. Patuloy lang siya sa pagpapaulan sakin nga mga suntok niya at patuloy naman ako sa pag iwas.

Pero mabilis akong napasinghap nang mabilis na iginapos ng isang lalake sakin ang mga braso niya para mahawakan ako. Nabitawan pa nito ang hawak na tubo.

Nakangising lumapit naman sakin ang dalawang lalake. Umamba ng suntok ang isang lalake pero kaagad kong itinaas ang dalawa kong papa at sinipa sila ng malakas bago pa dumapo yung kamao nila sakin.

Dalawang beses kong siniko ang lalake na nakayakap sakin pero masyado siyang matatag at mahigpit yung hawak niya sakin.

Hindi na ako nakailag nang masuntok ako nung dalawang lalake kanina sa mukha at sikmura. Bwesit. Ang sakit nun.

Napaubo ako ng dugo.

Tinignan ko ng masama ang dalawang lalake na nakangisi sakin.

"You'll pay for that" sabi ko at muling itinaas ang dalawa kong paa at mas malakas kong sinipa ang dalawang lalake pero sa mukha ko na sila tinamaan.

Ubod ng lakas kong ginamit ang mga siko ko sa lalaking may hawak sakin na nakapagpabitaw sakanya.

Kasabay ng pahgarap ko sa lalaking kanina pa ako hawak ay isang malakas na sipa na nagpaluhod sa lalakeng. Nakita ko ang isang tubo at akmang ihahampas ko sa lalake nang may humawak sa braso ko.

"That's enough" napalingon ako sa nagsalita

And I wasn't expecting to see him here.

-

"COOL moves by the way haha" napa facepalm nalang ako

"Tumahimik ka nga Kaito" sabi ko

"Oo nga. Kanina ka pa. Kaya mas type ko si Kanato kesa sayo eh. Ang ingay mo" sabi naman ni Hinata habang ginagamot yung mga pasa ko

Natahimik naman si Kaito sabay tingin kay Hinata.

"So gusto mo yung tahimik? Yung pa cool? Ganun? Ang baduy ng type mo babe" gusto ko matawa sa mga pinagsasabi nitong dalawa

Si Kaito Christopher Bryle Chikishima ang twin brother ni Kanato. Pero magkaiba ang personality nila. Kung si Kanato ay 'pa cool' at may pagkatahimik, etong si Kaito naman ang madaldal.

"Pasalamat ka at mahal kitang babae ka" sabi ni Kaito kay Hinata na ngayon ay namumula na ang pisngi

Si Hinata Jugyeong Menoza ang bestfriend ni Kaito, kaya lang may gusto tong si Kaito kay Hinata. At ganun din ata si Hinata.

"Psh" ang tanging nasabi ni Hinata

"Bakit pala kayo napunta dito?" tanong ko sakanila

Kanina ko pa sila gusto tanongin pero inunahan kaagad ako ng kadaldalan ni Kaito.

"Dad sent me here. Sumama lang tong si babe" napatigil sa paggamot si Hinata at tinignan ng masama si Kaito

"Putsa! Isang 'babe' pa at ibabato ko sayo tong gunting na hawak ko!" gigil na sabi ni Hinata

Napailing nalang ako.

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now