Chapter 6

322 20 0
                                    

Yumi's POV

"TROUBLE?" nagtataka kong tanong

"Yes. Ang TROUBLE ay isang grupo na pinamumunuan ng apat lalake. Pero ang apat na yun ay may tinatawag na Lord T. Si Lord T ang original na leader ng gang. Kumbaga mga kanang kamay niya lang ang apat na lalake na mga kaibigan niya" mahabang sabi ni Tasha

"Kaya lang ang isa sakanila ay wala dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa. At yun ang Step Brother ko" nagulat naman ako sa sinabi niya

Kaya pala ang dami niyang alam. Kasali pala ang kapatid niya sa gang na yun.

Nakisiksik kami sa mga tao para mas makita naman ang pinagkakaguluhan nila.

Sa open court ay may 10 lalake na naka leather jacket lahat. Lahag sila ay gwapo pero sa isang tao na focus ang mata ko.

Nakangiti na ito sakin at kumakaway pa ang gago.

"Anong ginagawa ng gagong to dito? May pakaway kaway pang nalalaman" bulong ko na narinig naman pala ni Tasha

"Kilala mo si Tristan?" tumango naman ako

"Isa siya sa apat na kanang kamay ni Lord T" napatango nalang ako

Biglang natahimik ang lahat ng tumikhim ang lalake na nasa harap ni Tristan.

"Nasaan si Wayumi Yvonne Grace Takahashi?" sigaw niya sa buong court

Natigilan naman ako. Bakit niya ako hinahanap?

Nagsimulang mag bulong bulongan ang mga tao.

"Bakit ka niya hinahanap? May atraso ka ba sakanila?" tanong ni Tasha

I shrugged.

"Kung sino man ang makaka pagturo sa akin kung nasaan si Wayumi Yvonne Grace Takahashi ay bibigyan ko ng pabuya! I will give you my precious Ferrari!" naghiyawan naman kaagad ang mga tao

Damn. Ano bang nagawa ko sakanya?

May biglang tumabi samin. Nang lumingon ako yung "Queen Bee" pala.

"It's time for revenge bitch" nakangisi niyang sabi sakin at tumingin ulit sa grupo ng nga kalalakihan

"She's here!" sigaw niya sabay turo sakin

What the... so lame!

Tinuro turo niya pa ako. Nang tignan ko ang mga lalake nakatingin na sila sakin. Hinila naman kaagad ako ni Tasha.

"Run! Hide!" sigaw niya na tinangoan ko lang

Damn! Saan ako magtatago?

Saan ba pwede pumunta?

Ting!

Tumakbo kaagad ako papunta sa girl's comfort room. Hehe. Hindi pwede ang mga lalake doon kaya I'm safe there!

Pumasok kaagad ako bago pa ako maabutan ng mga lalake. Pumasok ako sa isa sa mga cubicles at naghintay lang doon.

I can hear footsteps mula sa labas kaya hinintay ko lang na mawala iyon. Dahan dahan akong lumabas sa cubicle. Making sure that I don't make any noise.

Nilapit ko ang tenga ko sa pinto ng cr at ng wala akong marinig napangiti nalang ako at binuksan na ang pinto ng makita ko si Tristan.

"Hey babe. Smart one. Hiding in the comfort room. Kanina pa kita hinihintay lumabas" nakangisi niyang sabi

"T-Tristan... friends naman tayo eh. Di ba?" sabi ko

Ngumiti lang siya sakin.

"I know babe, pero his orders" sabi niya sabay hila sakin palabas

Naglalakad na kami ngayon papunta sa locker room kung saan nandoon ang tinatawag nilang "Lord T".

Tinignan niya ako ng masama.

"Tss... pinahirapan mo pa kaming hanapin ka" sabi niya

"Ano ba kasing kailangan niyo sakin?" tanong ko

"I need you to pay" sabi niya

"What? Pay? Bakit? May nagawa ba ako? Wala naman akong atraso sa inyo ah!" sigaw ko

"Wala nga pero sa isa sa mga tauhan ko meron" napakunot nalang ang noo ko

"Huh?"

Ngumisi naman siya sakin.

"Playing innocent huh? You got nice skills. Using a necktie to bring him down" natigilan ako sa sinabi niya

"Looks like natatandaan mo na"

"Tsk! Gagawin ko talaga yun dahil malapit na niyang ma rape yung babae! Tinulungan ko lang naman yung babae! Kawawa kasi. Wala naman kasing karapatan yung 'tauhan' mo na manggahasa noh!" sabi ko

Nagulat siya sa sinabi niya.

"Wait what? Rape?" tumango naman ako

"Tss..." tumalikod na siya sakin

"Umuwi ka ng maaga! Malalaman kong hindi kapa umuwi dahil mag rereport si Tristan sakin" sabi niya

Pinakawalan naman ako ni Tristan at kumindat sakin bago sumunod sa lalake.

"Why the hell do you care?!" sigaw ko

"None of your business" sagot niya at umalis

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now