Chapter 8

291 17 0
                                    

Yumi's POV

So far. So good. It's been a week since nag aaral na ako sa Lionhartt Academy. Maganda naman ang pakikitungo sakin ng mga classmates ko.

And Tasha? Mas naging close kaming dalawa.

"Babe! Nice legs!" tawag ni Tristan

"Punta na tayo sa gym! Ming-ming" sabi naman ni Lester sabay hila sakin, tawag naman niya sakin ay Ming-ming

Putek talaga tong dalawang to.

"Tsk! Let me go!" sigaw ko

Sa 1 week na pag stay ko dito sa Lionhartt Acdamey, sila lang ang problema. Tangina talaga!

Etong dalawang to ang FC din eh! Di niyo alam yun? FC means Feeling Close! Wahhh! At hindi kami close tatlo!

"Babe naman. Let's go na kasi!" sabi ni Tristan

"Argh! Shut up! Hindi ako sasabay sa inyo! Sasabay ako kay Tasha!" naiinis kong sabi

"Tasha? Ayon! Dinagit na ni Dexter! Kaya ali ka na Ming-ming... wag mag inarte" tangina din to si Lester eh

Hinila ulit nila ako. Wala na akong choice kundi ang sumunod sakanila.

Today is our gym class. Kaya obviously pupunta kami sa gym. Naka PE kami ngayon.

The only thing I don't like about the PE uniform for girls is instead of jogging pants, shorts. Short shorts. Kaya kitang kita ang legs ko.

Nang makarating na kami sa gym nakita ko kaagad si Tasha na nakaupo lang sa bleachers habang nakatingin kay Dexter na pinapaligiran ng girls.

"Tasha!" sigaw ko na halos nagpalingon sa lahat ng aming kaklase

Hindi ko sila pinansin at naglakad papunta kay Tasha. Ngumiti kaagad siya sakin at kumaway.

"Hey! Hindi mo man lang ako hinintay doon sa room!" sabi ko

"Well, hinila na kasi ako ni Dexter kanina. Sabi niya nasa gym ka na daw eh" sabi niya

"Tsk! Nasa CR ako kanina! Nagbibihis ng PE!" yun nalang ang sinabi ko

"Wala ba tayong ibang gagawin dito? Titignan lang ba natin sila?" tanong ko

"Haha... let's go!" sabay hila sakin

Bakit ba panay ang hila nila sakin? Eto lang ba ang role ko sa story na to?

"Let's play!" sabi niya at kumuha ng bola

"E-ehh... I don't play" sabi ko

"Huh? Bakit?" umiling lang ako sakanya

Natatakot lang talaga ako sa mga bola. Once in Japan, my relatives were playing basketball.

I had fun looking at them while my head was just leaning on the wall. Nang aksidente nila akong matamaan. It's not just a normal hit, malakas ang pagkaka tama nuon sakin that's why my head that was just leaning on the wall got bumped very hard.

Causing for me to collaps and went to sleep for 4 days. Kaya kapag nakakakita ako ng bola umiiwas kaagad ako.

OA ng rason di ba?

"Ano ba yan? Eh ano nalang gagawin mo niyan?" tanong niya

"I'll just sit on the bleachers" tumango nalang siya at nakipaglaro sa mga kaklase namin

Nakatingin lang ako sakanila ng lumapit si Dexter kay Tasha at may sinabi dito. Tumango nalang si Tasha at lumapit sakin.

"Samahan mo ko... please?" sabi niya ng makalapit sakin

"Saan naman?" tanong ko

"Sa Cafeteria..." sabi niya sabay ngiti

"Ano naman gagawin natin doon?" tanong ko

"Sasabihin ko sayo kapag sumama ka sakin" tumayo nalang ako at sumunod sakanya

"So ano?" tanong ko

"U-umm... yesterday, ginawa akong personal slave ni Dexter" napahinto ako sa paglalakad

"Seriously?"

"Yeah... w-wala akong choice... sasabihin niya sa parents ko na boyfriend ko siya which is not true"

"So he blackmailed you" tumango naman siya

Nag uusap pa kami ni Tasha ng marinig namin ang usapan ng isang grupo ng mga babae.

"Oh my ghad!"

"Ang gwapo niya!"

"He's back!"

"Woah!"

"Handsome as always!"

"Gosh! So gwapo!"

Ang iingay nila.

"Sino kaya pinag uusapan nila?" takang tanong ni Tasha

I just shrugged.

Pumasok na kaagad kami ni Tasha sa cafeteria at bumili ng mga pagkain na pinabibili ni Dexter. Pagkatapos ay lumabas kaagad kami at pumunta na sa gym.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ng makita kong may kausap ang 4 na mokong. Their talking with someone who is very familiar to me.

Busy ako sa pag iisip kung sino siya kaya hindi ko na namalayan na nasa harap na namin sila. Ang lalake na familiar naman sakin ay nakatalikod. We are a meter apart.

"Excuse me" sabi ni Tasha kaya napalingon sa amin ang limang lalake

Nagulat ako ng makita ko ang mukha niya. What the... this can't be! Bakit siya nandito? Akala ko ba nasa Japan siya?

Pati si Tasha ay nagulat.

"Kanato?" bulong ko

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now