Chapter 2

393 26 0
                                    

Yumi's POV

"Welcome to the Philippines" bati ng flight attendant na nginitian ko lang bago bumaba ng eroplano

Sumakay kaagad ako ng taxi pagkalabas ko ng airport. Huminto ang sasakyan sa harap ng mataas na building. Nasa 50th floor ang condo unit ko na binili ni Dad para sakin.

Pumasok kaagad ako ng building. Sumakay ako ng elevator and pressed the right floor papunta sa unit ko.

Ting!

Bumukas kaagad ang pinto kaya lumabas na ako at hinanap ang unit ko.

My unit doesn't need a key to open the door. May code iyon.

I carefully pressed each number and smiled ng bumukas iyon.

When I entered my unit malinis naman ito. Binili talaga ni Dad ang unit na to para sakin.

The space isn't that big. Yung sakto lang sa dalawang tao.

Naglakad ako papunta sa magiging kwarto ko. Woah. Punaghandaan talaga ni Dad ah. Lumabas ako at pumunta sa kitchen. I checked the cabinets kung may mga gamit ba roon, pati ang frigde na puno ng pagkain.

Looks like hindi ko na kailangan mag grocery nito.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay.

Umupo ako sa sofa at tulalang tinignan ang wall clock na nasa ibabaw ng tv.

Ano na ngayon?

Ano na gagawin ko?

Ang boring!

Kung nandito lang si Kanato!

Kung pumunta nalang kaya ako sa club? Napailing naman kaagad ako sa naisip. For sure magagalit sina mom sakin kaya NO nalang.

Ting!

Luh! Kung pumunta nalang kaya ako sa mall? Bumili nalang ako ng mga school supplies ko!

Napangiti naman ako. Yez! Dali dali akong pumunta sa kwarto at nagbihis.

Ano ba yan? Kakabihis ko nga lang ng pambahay kanina eh.

Kinuha ko ang wallet ko at nilagay sa sling bag. Kinuha ko din ang phone ko at lumabas na ng unit.

Pumara kaagad ako ng taxi ng maka labas na ako ng building.

Nang makarating na ako sa mall pumunta kaagad akong National Bookstore.

Hindi naman marami ang binili kong notebooks, mga 5 lang. Tapos ballpen. Papel. Correction tape.

Tumingin tingin na din ako ng mga Wattpad books. Yes naman! Wattpader to!

Nang makapili na ako ng mga libro nagbayad kaagad ako. Yey! May mababasa na ako later.

Pumunta muna ako sa isang ice cream parlor dahil gusto ko kumain ng malamig ngayon.

Bumili ako ng cookies and cream cause it's my favorite.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan doon at nagsimula ng kumain.

Nang matapos na ako, tumayo na ako at naglakad na paalis ng mall. Hindi na ako pumara ng taxi dahil gusto ko lang maglakad papunta sa condo. Tsaka na memorize ko na ang daan.

Malapit lang naman pala ito sa condo ko.

I started walking habang may suot akong earphones.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa napansin ko na pagabi na.

It's not safe for a girl like me to walk alone in the streets but I can handle myself.

Naglalakad ako ng may marinig ako na parang humihingi ng tulong. Boses babae.

Tinanggal ko ang earphones ko para mas marinig ito.

Habang naglalakad ako papunta sa kung saan nanggaling ang boses mas lumalakas ito sa pandinig ko.

"Tulong! Rape—hmmm!" napatakip nalang ako sa bibig ko

Mula sa madilim na parte kung saan hindi naiilawan ng buwan, nakita ko ang isang babae na nakahiga habang may isang lalake na nakapatong dito at marahas na tinatanggal ang damit nito.

Oh my ghad! Kailangan kong tulungan ang babaeng yun!

"Tulong! Tama na po!" sigaw ulit ng babae na hindi naman pinakinggan ng lalake

"Tunahimik ka sabi eh! Kahit sumigaw ka pa diyan walang makakarinig sayo!" sabi ng lalake

Tanga! May nakarinig sa inyo at ako yun! Bingi lang siguro ang taong hindi maririnig ang boses ng babae.

Mukhang kaedad ko lang ang lalake. Pero fudge! Hindi niya dapat ginagawa yan.

Hindi ko na kinaya at lumabas na ako sa tinataguan ko.

"Tigilan mo yan!" sigaw ko

Natigilan naman ang lalake at tinignan ako

"Oh, look. Mukhang may makakasama ka baby" sabi ng lalake sa babae

Yuck! Sa tingin niya magugustuhan kong pumatol sakanya?

"Tss...akala mo matatakot ako sayo? Babae ka lang" sabi niya na nagpairita sakin.

"Ganun ba? Well this girl will take you down" nakangising sabi ko

The Five Hot JerksWhere stories live. Discover now