CHAPTER 28: Fighting For Love

Start from the beginning
                                    

Malungkot siyang napangiti.

Mike: Mikay, If you need help… If you want to start over… Handa kitang tulungan in whatever way I can…

Mikay: Thanks, Mike... But I’m never gonna be ready to start all over again…

_____________________________________________

The moment she got out from the hospital. She didn’t go back to her condo anymore. Hinayaan niyang si Mike ang nagpunta at nag-empake ng ilang mga damit niya. Ito na mismo ang nag-alok na dun muna siya sa bahay nito tumira. Hindi niya ‘yon tinanggihan dahil ayaw na muna niyang bumalik sa isang lugar na punung-puno ng alaala.

Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ng penthouse ni Gino. Kanina pa siya nag-aabang at nagbabasakaling makita niya ito. She had been trying to call his phone several times. But it’s always turned off. Maging sa opisina nito ay sinasabing ‘di pa raw pumapasok hanggang ngayon.

Everyone already knows what happened. Maybe, Gino told it to someone else. Then, the news just went into wildfire. Talagang iniiwasan niyang hindi manood ng telebisyon o magbasa ng mga dyaryo. She’s isolating herself to anything that could hurt her.

Ngunit kahit ano pang pag-iiwas ang gawin niya ay hindi naman siya bingi para hindi marinig ang mga sinasabi nila…

“The rumors are finally true! It came from an official source on Gino’s side that it’s really over between them! There’s no known reason for the break up yet…”

“However, rumors say that there’s a third party involved. But it’s not exactly known who really cheated.”

“There’s another hot bachelor added on the list!”

Isang pang halimbawa ay ang nagbubulungan sa may kantina na malapit sa kasalukuyan niyang kinatatayuan ngayon.

“Grabe naman yan! Hindi na nakonteto at pilit pa ring hahabul-habol…”

“Alam mo, tama ako eh… Si Gino ang nakipag-break sa kanya.”

“Siguro may nahanapan ng ibang babae na mas karapat-dapat sa kanya.”

“Malamang nagising na sa katotohanan na talagang pera lang ang habol ng babaeng ‘yan.”

Naisip niya na maaaring ganoon din ang sinasabi ng kanyang mga ka-opisina. Baka mas masahol pa ang mga ‘yon. Bagama’t patuloy siyang nasasaktan sa mga naririnig ay pinipilit niyang magtiis dahil naniniwala siyang maaayos din ang lahat.

For hours, she stood there trying to wait for him. Trying to see a single hint that he’s there. But he never appeared. Lumapit siya sa security guard and started to ask…

Guard: Naku, mam… Matagal na pong hindi pumupunta dito si sir. Subukan niyo po sa bahay nila sa Valle Verde. Baka nandun po siya…

Napabuntung-hininga siya. Napalipas nanaman niya ang isang buong araw na hindi ito nakikita.

_____________________________________________

Nagdaan muli ang ilang araw na patuloy siyang nagmamasid sa mga lugar kung saan maaari itong magpunta. Parati rin siyang nag-aabang sa labas ng mansion nila Gino. Pilit inaalam sa mga security guards at katulong na lumalabas mula sa loob kung andun nga ba ito. Ngunit lagi siyang bigo sapagkat ayaw magsalita ng mga ito.

May mga pagkakataong inaabutan na siya ng gutom sa kanyang kinatatayuan. Idagdag pa ang tindi ng sikat ng araw. Tagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Pero hindi siya susuko hangga’t hindi niya nakakausap ng maayos si Gino… With just the mere thought of his name ay sobra na niyang namimiss ito… Naiisip niya ang mga pagkakataong magkasama pa sila… Siguradong hindi siya nito hahayaang mapagod o magutuman man lang. At baka pagalitan pa siya nito sa kanyang pagpapabaya sa sarili.

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now