Kabanata 43

3.6K 95 6
                                    

Apoy

"Tulong! Tulongan niyo ako!"

Patuloy ako sa pagsisigaw ngunit kahit siguro mapugto na ang mga ugat sa leeg ko e wala paring makakarinig sa'kin mula sa labas.

Naghanap ako ng ibang pinto ngunit ang nakita kong isa ay sarado din. May bintana ngunit hindi ko naman ito maabot dahil sa taas. Wala rin akong makitang hagdanan na pwedeng gamitin.

The fire is now bigger. Naglalaglagan na ang mga kahoy mula sa bubong dahil unti-unti na itong natutupok. Nawawalan na din ako ng lakas dahil kanina ko pa naaamoy ang makapal na usok.

"Tulongan niyo ako! Please! Tulong!" I give all my strength shouting but still I didn't receive any response.

Napaluhod ako habang pinipilit parin maka langhap ng hangin. Ngunit dahil sa malaking apoy at makapal na usok ay tuloyan na akong nanghina at nagiging blur na ang paningin ko.

Kumurap-kurap ako at gumapang ng biglang nahulog ang yero mula sa bubong hindi kalayuan kong nasaan ako. Napaiyak nalang ako sa takot.

My breath is slowing down as my eyes slowly close too. The last thing I heard is a loud bang from the door. Unti-unti na itong nabubuksan mula sa labas.

When I opened my eyes, ang masinag na ilaw ang sumalubong sa'kin. The cold temperature of the room too makes me shiver a bit. It felt like a deja vu.

"Papa! Gising na si Theadora!"

Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses at nakita si Mommy na namumugto ang mga mata. Kasama niya din si Lolo, Heros at Daniel. They hurriedly went beside me.

"I'll call the Doctor!" Daniel said and went outside.

"How are you feeling sweetheart? May masakit ba sa'yo?" Si Mommy.

"What happened?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"We almost lost you in fire, anak." Namumula ang mga mata at ilong ni Mommy mula sa pag-iyak. "Mabuti nalang at nasagip ka agad ni Heros."

Sandali akong natigilan at napatingin kay Heros. His soulful eyes bore at me. Matikas ang tindig niya at seryosong tikom lang ang bibig.

"Nakita namin ang malaking usok kahapon sa Storage Room mula sa maisan kaya mabilis kaming pumunta roon at tumawag ng bombero. Nagkagulo din kami nang sabihin ni Roberta na nandoon ka pa sa loob." Sabi ni lolo.

"Sa awa ng Diyos at hindi ka napuruhan ng malubha, sweetheart. I can't take it if I lose you again." Naluluha uli si Mommy.

Hinaplos ko ang kamay niya. "I feel better now, Mom."

Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. Humiwalay din siya nang dumating si Daniel kasama ang doctor.

The Doctor check me at ang payo ay pwede na daw akong maka uwi bukas. I just needed more rest. Mabuti nalang at nasagip agad ako dahil kung natagalan pa daw iyon ay baka namatay na ako sa suffocation mula sa usok.

Hindi rin nag tagal at umuwi na si Lolo para tingnan ang kalagayan ng farm at kung ano na ang itinakbo ng imbestigasyon tungkol sa sunog. Sinamahan naman siya ni Daniel. Mommy and Heros was left in my Room.

Tahimik lang si Heros na naka upo sa couch. Bakas sa mga mata niya ang puyat dahil sa kanyang eyebugs.

Tumikhim si Mommy at tumayo. "Sweetheart, I'll be in the interconnected room okay? I just need to answer an important call."

"Okay Mom." I said and softly smile at her.

Tumingin naman si Mommy kay Heros. "Hijo, iwan ko muna sa'yo ang anak ko sandali ha?"

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon