Kabanata 8

4.2K 111 10
                                    

Time

"I don't like you making friends with a lot of boys. You are too young for that." Aniya at itinigil na ang sasakyan niya sa gilid ng hindi ko namamalayan.

Gusto ko siyang sagutin pero wala akong mahanap na tamang sasabihin. Kasi naman! Kailan pa nagkaroon ng age limit ang pakikipagkaibigan sa mga lalaki? Even my grandfather is not that strict when it comes to me making friends with guys. He just don't like me having boyfriend and suitors.

"Where are we?" I said as I went out of the car.

Pagkalabas ko sa sasakyan ay agad sumabog ang buhok ko ng dahil sa hangin. Napapikit ako sa kati at pagkatusok ng buhok ko saking mukha at mata.

"Are you okay?" I heard his voice near me.

Sinikop ko ang buhok ko gamit ng aking kamay at dumilat. "Where are we?"

Ngumiti siya at naunang nag lakad papunta sa isang puno. Sumunod naman agad ako sa kanya.

Medyo humina na ang hangin kompara kanina. Marahil dahil ay mas mababa ang lugar dito kaysa sa kanina na tinayuan namin.

Nilatag niya ang dalang banig at dalawang basket na sa palagay ko ay naglalaman ng pagkain.

Oh my! Are we having a picnic right here?

Matapos niyang mailatag ang banig ay umupo siya. He tap the space near him commanding me to sit. Umupo naman ako at hinayaan ng bumagsak ang aking buhok sa likod.

"This place has no specific name but I call it sanctuary hill. This is my sanctuary." He said while looking at the view in front of him.

Napatingin narin ako at namilog ang mga mata ko sa ganda ng view. I can see the peak of the mountain from afar in front of us. The green valley looks so beautiful that it makes you feel you are out of the country. Sa kalayuan ay makikita ang maliliit na kabahayan at iilang establishamento.

"Ang ganda..." Mangha kong sabi habang binubusog ang mga mata ko sa mga magagandang tanawin.

Never did I imagine na may mas gaganda pa pala sa nakita ko doon sa bayan ng Almendra. Wait... Are we still in Almendra? Ang bilin pa naman ni Manang Zana ay hindi kami dapat lumayo.

"Nasa Almendra parin ba tayo?" Napatingin ako sa kanya.

He look at me and nodded. I then look away dahil nagsisimula na naming magkagulo ang mga kulisap saking tiyan ng titigan ko ang mala tsokolate niyang mga mata. Pa simple pang napahawak ako sa tiyan ko para pigilan ang mga kulisap.

"Yes. Actually kasalukuyan kong binibili ang lupa na kinauupoan natin." Sabi niya ngunit hindi sa tunog ng pagyayabang.

"Para sa business mo?" Curious kong tanong ngunit ngumiti lang siya.

"You keep asking a lot of questions like a kid." He said and grin at me.

Kinurot ko ang tangkay ng damo saka ito itinapon sa kanya. He laugh at me at mas lalo lang nag init ang pisngi ko sa pagkainis.

"Why do you keep insisting that I am a kid?" Busangot kong sabi.

"'Cause you are." He said a laugh softly.

Mas kumunot lang ang noo ko sa kanya. Ibinaling ko nalang ang mukha ko sa view para maibsan ang pagka-inis. Naiinis talaga ako sa tuwing iniisip niyang bata pa ako. Parang kinukurot ang dibdib ko sa tuwing naiisip na ganoon ang tingin niya sa'kin. I don't want him to see me as just like that. I am more than just a nineteen year old girl if only you'd knew me, the real me, Heros Matthew!

"Bakit ba minamadali mong maging matanda?" Aniya matapos kumalma mula sa pag kantyaw sa'kin.

"Hindi ako nagmamadali!" I said and cross my arms. "You don't know me well."

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon