Kabanata 17

3.4K 89 5
                                    

Playboy

Buong lakas ko siyang itinulak. He tried to hug me tight but I push him again, harder this time. Natablan siya sa pagtulak ko. Hindi ko alam kung dahil ba talagang nalakasan ko ang pag tulak o sadyang wala siyang lakas ngayon.

"Huwag mo nga akong lapitan! Two timer! Liar! Playboy!" Singhal ko.

Puno ng galit ang tinging ipinukol ko sa kanya. Ngunit malamlam lang na mga mata ang isinukli niya sa'kin.

"What are you talking about?" Aniya sa mababang boses at pilit muli siyang lumalapit sa'kin habang hinahanap ang ilag kong mga kamay.

"I said don't come near me! Nandidiri ako sayo! I hate you!" Sigaw ko at itinulak uli siya ng mahawakan niya ang siko ko. "Bakit ba kasi ako naniwala sayo? Bakit pa ako nagpakatanga!"

Kumunot ang noo niya't nag tagis ang kanyang panga. His jawline is more angled when he looks mad. Despite the anger expression, he became more handsome in my eyes. Damn it! Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Why am I still having dreamy thoughts with his face gayung sinaktan ako ng todo ng lalaking ito.

Huwag kang maging marupok, Allyana Theadore Silvestre. Hindi bagay sa'yo!

"Please, baby, calm down. Ano bang sinasabi mo?"

"Buko ka na! Bukong-buko ka na!" Sigaw ko. "Nagsisinungaling ka pa!"

"Ano ba kasing problema? Pinag-alala mo kaming lahat, Aya. Pinag-alala mo ako ng husto." Malambing niyang sabi at sinubok muling ikulong ako sa kanyang bisig.

"At nagmamaangan-maangan ka pa? Kung hindi ko pa narinig sa iba, hanggang ngayon para akong tanga na naniniwala sa mga matamis mong salita at gawa."

"Baby, I really don't understand. Ano ba kasing ikinagagalit mo?" Masuyo ang boses niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at marahas na nag iwas ng tingin sa kanya. "I've heard that you went to a motel with a girl." Nabalot ng katahimikan. Tanging ingay lang ng mga palaka, kulisap at kung ano pang insekto ang umalingawngaw sa paligid naming dalawa. Mas lalong sumisikip sa sakit ang dibdib ko ng hindi siya maka sagot. "Don't try to deny it. May nakakita sa'yo."

"What else did you hear?"

Tumaas ang sulok ng labi ko at matalim siyang tinitigan bago nag iwas uli ng tingin. "Bakit, mayroon pa ba? Maliwanag pa sa sikat ng araw ang dahilan kung bakit kayo napunta ro'n." Mapait kung sabi.

"Is that what you all heard? At nag conclude ka agad ng masama?" Malamig niyang sagot.

"E ano pa ba? I'm not that innocent and I'm not that stupid para hindi ko malaman kung anong gagawin niyo doon." Hinarap ko siya at walang emosyong tiningnan.

"Is that all you want to say?" Nangungusap ang mga mata niyang sabi. Nag tiim bagang siya't seryosong naka deretso ang mga mata niyang nakatitig sa'king mga mata.

Hindi ko siya sinagot. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa galit at inis sa sarili. Walang manloloko kung walang magpapaloko. Alam ko naman na playboy siya pero hinayaan ko parin ang sarili kong maniwala na may mabuti sa kanya, na mapapabago ko ang ugali niya. Pero sino nga ba ako para kayang gawin 'yon? E kung 'yon ngang mga naging babae niya na mala diyosa na't perpekto ay niloloko niya parin, ako pa kayang patpatin lang at maputla sa kaputian ang balat.

"I admit, I'm a playboy..." Mas lalong na durog ang puso ko sa sinabi niya. He is not denying it. "I've fooled girls. I've played with their heart. I made them trust me and broke my foolish promises to them. I take advantage of them. I hurt them... broke them into pieces.. I've lied and make them stupid for believing that I love them back.. I know I've been a jerk... I acknowledged everything they say against me."

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon