Kabanata 5

4.6K 147 7
                                    

Trust

Pagkatapos naming tingnan ni Heros ang mga naaning mais ay ibinalik niya na ako sa mansyon para mag haponan.

Inimbetahan niya akong sumama uli bukas sa pamamasyal ngunit tumanggi na ako.

I have this weird feelings about him that he's trying to get close to me for some reason. At ayaw ko ang rason na 'yon na nararamdaman ko base sa kanyang kilos at pananalita.

"Maraming salamat sa pag bisita niyo, Manang Zana, Aya. Bumalik kayo ulit bukas. May kaonting selebrasyon at handaan para sa panibagong yugto ng buhay pag-aasawa nina Hellina at ng asawa niya." Galak na sabi ni Tita Mariella matapos ng aming haponan at hinatid kami nito sa bulwagan ng kanilang mansyon.

Tumingin si Manang Zana sa'kin. Tinitimbang ang magiging desisyon ko sa anyaya ni Tita Mariella. Tumanggi ako kay Heros kanina sa kanyang pag-aya dahil gusto kong umiwas na pero mukhang hindi ko yata kayang biguin ang pag-asam ni Manang Zana na pagbigyan ulit si Tita Mariella lalo na't naghihintay din si Tito Heu na sumang-ayon kami dalawa.

Ngumiti nalang ako tsaka tumango. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang pag taas ng sulok ng labi ni Heros.

I don't know but right after our short trip in their corn fields, everything about between us becomes more awkward. Kahit hindi naman talaga big deal iyon pero ewan, basta hindi ko na gustong maglalapit ulit sa kanya. It's like my instincts tells me that it is really dangerous. So dangerous to go deeper.

Hinatid kami ni Heros pauwi. Kahit sa daan ay sobrang tahimik ako. Sila lang dalawa ulit ni Manang Zana ang nag kwentohan tungkol sa pamamasyal namin kanina. Pa minsan-minsan ay sumasagot ako kapag nag tanong si Manang.

Pagkarating sa bahay ay nagpaalam agad ako kay Manang Zana na aakyat na sa kwarto. It's kinda rude to Heros but I really hate what I am feeling now. The way my heart beats when he's around makes me feel more uncomfortable.

Ni-lock ko ang pinto at agad na humiga sa kama. Ilang sandali pa akong nanatiling nakatulala sa ceiling nang marinig ko ang tunog ng sasakyan. Dali-dali akong nag tungo sa bintana at sumilip.

I breath freely when his car is gone. Mabuti nalang. I survive the day.

The next morning ay masiglang-masigla si Manang Zana. I went to the table and seated properly. I sip my milk coffee and observe her properly.

Sa second year ko sa Psychology, marami akong natutonan na. Bata pa lang ako, mahilig na akong mag observe ng tao. Though I am not an introvert person nor an extrovert one. But I can safely say that I am a bit preserve type of a person and at the same time, I can go along well with people. Minsan kasi, mas gusto ng mga taong mag stick sa mga taong kung sino lang ang nakakaintindi o nakakasabay sa kanila. Ako naman, gusto kong piliin ang mga kinakaibigan ko pero open din akong kumilala ng tao. At marahil narin sa impluwensiya ni Lolo sa kanyang trabaho kaya pinursue ko ang kurso ko. I'd want to understand the victims and the suspects than to judge. I want to understand so I can know the root of their behavior and doings.

"Susunduin tayo ni Heros ngayon. Ready ka na ba?"

"Akala ko po mamaya pa ang selebrasyon Manang?" I said kindly, not to make it sound rude.

"Nag pasabi kasi si Heros kagabi na magiging abala siya sa pag didiskarga sa mga mais ngayong araw. Ihahatid na daw kasi iyon sa mga supplier na bumibili sa kanila kaya baka hindi niya tayo masundo mamaya." Anito.

"Pwede naman po tayong mag traysikel, Manang." Kalmado kong sabi pero sa kaloob-looban ko'y gusto ko ng tumili. Wait, para saan ang damdamin ko sa kagustohang tumili?

"Iyon nga ang sinabi ko kaso ang batang 'yon ayaw magpapigil. Siya na daw ang laging susundo sa'tin kapag pupunta tayo sa kanila kaysa mag bayad tayo sa traysikel. Mas tipid daw." Nangingiting sabi ni Manang.

Behind Every PlayboyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin