Kabanata 4

4.6K 147 7
                                    

Girlfriend

Pumayag si Manang Zana. Iningganyo pa ako nina Tita Mariella at Tito na dapat nga mag libot ako so that I can relax myself. Ang alam kasi nila, base sa sinabi ni Manang, na kaya nandito kami sa Zaccarrio dahil kailangan kong makapag bakasyon dahil masyado akong na stress sa pag-aaral ko. Well it's a half true kaya hindi ako komontra sa pagsisinungaling ni Manang Zana kina Tita Mariella.

"Ingatan mo si Aya, Heros ha? Hindi pa naman 'yan nakakasakay ng kabayo." Nag-aalalang sabi ni Manang nang makababa na si Heros dala ang jacket niya.

The thought of me riding a horse excite me more. I never tried riding extreme rides at palagay ko'y ito ang magiging kauna-unahan ko.

"Opo, Manang." Heros said and smile at Manang Zana. Ibinigay niya sa'kin ang jacket. Muntik pa'kong magulat ng tinulongan niya pa akong maisuot ito sa'kin.

"Thanks." I awkwardly said and give space between us. I'm still uncomfortable with him.

Nakita ko ang reaksyon ni Tito Heu at napailing siya na parang natatawa sa ginawa ni Heros.

What?

After naming magpaalam ay sumakay kami ni Heros sa panibagong Ford Ranger niya na kulay black. Halos mangawit ang leeg ko sa kakatingin sa hacienda nila. Para akong napadpad sa New Zealand. The only difference is the climate.

Mabilis namin narating ang kanilang rancho. Bumaba si Heros at umikot saka pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hinintay ko pang mapag buksan niya ako ng pinto eh no'ng kahapon, ako naman ang nagkusa.

He smiled at me nang makababa ako. It's just weird because everytime our eyes meet, he smiles at me. Ganito ba siya ka friendly?

"Kukunin ko lang si Beast." Aniya.

Beast? Who's that? That's the name of the horse? Talaga pa lang pinaglalaanan nila ang pag bigay ng pangalan sa kanilang mga hayop? How heart warming it is.

Ilang sandali akong nag hintay sa bukana ng barn house. I saw two teenage boys na nagtutulakan para makalapit sa akin. I guess ka edad or mas bata sila ng kaonti sa'kin.

I give them a friendly smile. How funny I can easily smile at strangers when I can't even give Heros back a smile everytime he smile at me.

"Miss ganda, ano po ang pangalan ninyo?" The guy, who is taller than me ask. Moreno ang kutis niya at pilipinong-pilipino ang mukha.

"I'm Aya." I said and held my hand. "You are?"

Malugod niyang tinanggap ang kamay ko at nag handshake kami. "Richard, miss ganda. Ito po pala ang kasamahan ko, si Paul." Pakilala niya sa lalaking pulang-pula na ang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa sinag ng araw o dahil talagang pinamumulahan siya.

"Nice to meet you, Paul." At nagkamayan din kami.

May narinig kaming tikhim sa likod at agad kong tinanggal ang pag shakehands namin ni Paul. I turned at my back and I saw Heros annoyed face. Kunot ang noo niya at nag tiim-bagang siya.

"Sige po, alis na kami Miss ganda, Sir Heros." Nauutal at nagmamadaling umalis si Richard habang hinila nito si Paul.

"You like making friends.." Malamig niyang sinabi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Is that Beast?" Pag-iiba ko ng topic.

"Yes." Malamig niya paring tugon saka inilabas na ng tuluyan mula sa barn house ang itim at malaking kabayo.

Sumunod ako sa kanya. He made the horse steady. Hinawakan ni Heros ang kamay ko at idinirekta niya ito papunta kay Beast.

Nanginig ang kamay ko sa takot. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko but his hand on my wrist is holding me firmly.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon