Kabanata 41

3.8K 133 22
                                    

Consult

Maayos na natapos ang medical mission namin sa araw na ito. Bukas ay kailangan pa naming bumalik para sa second batch at para sa mga kailangan ng follow up check up.

Kay lolo uli ako sumakay pauwi. Ayoko ng magtalo pa uli ang dalawa ng dahil lang sa akin. Ang haba naman ng buhok ko para pag awayan ng dalawa!

I went on a shower when we reach our home. Si Daniel ay umuwi na sa kanila at bukas ay sasama uli siya sa'min ni lolo.

After a cold shower, nag palit na ako ng pantulog tutal pagkatapos ng dinner ay papanhik na ako pabalik dito sa kwarto.

Pagkababa ko ay ready na ang dinner. Tahimik akong umupo sa tabi ni Mommy habang si lolo ay panay ang kwento sa nangyari kanina.

"If you're going back tomorrow, it's good if I'll prepare meals for you. Para narin sa mga tao roon. Feeding program, what you think?" Si Mommy.

That's a good idea, My!

"Mabuti nga po, My. Marami din akong nakitang mga malnurish doon. Kawawa talaga ang kalagayan nila at nasunugan pa." Sagot ko.

Tumango naman si lolo. "Magbibigay din ako ng mga plant seeds sa kanila. Tutal naman ay malawak ang mga lupain nila dito at pwede silang mag tanim. Para at least man lang may mapagkunan silang pagkain ng libre."

Ngumiti ako. "Salamat, lolo!"

Nag umpisa na kaming mag dinner. Kasama din namin si Heros sa hapag na kumakain. They keep on talking about their plans for tomorrow while I stay silent.

Everytime I hear Heros laugh, may kung ano sa puso ko ang nasasaktan. I don't know but I feel guilty. Hanggang ngayon ay natamaan parin ako sa sinabi niya kahapon. Its true that I never give him my full trust. Lagi lang akong nagdadalawang isip sa kanya. I easily believe to other people than him. May parte talagang naging unfair ako sa kanya. I will really admit that I am not always right at that time. Na may mga mali at imperfection din ako. Dapat ko ba talagang sisihin ang sarili ko? I was young that time and I have no knowledge about relationship.

Out of nowhere ay bigla akong ngumiti sa kanya. Natigilan siya at napatitig sa'kin. Huli na para matanto ko ang awkward kong ginawa.

Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Natapos din naman ng matiwasay ang dinner at hindi na uli kami nagkatinginan. Hindi ko na siya magawang tingnan uli ng walang halong malisya.

I went to my room and lay in my bed. Pero kahit anong pilit kung tulog ay si Heros ang naiisip ko. I can really say that out of all the emotions I have experience to feel, what Heros made me feel was the best one. Kaya siguro hindi ko pa magawang makahanap ng ipapalit sa kanya. It's not that I am just scared. It's just that I am not ready.

May ganito pala talagang klaseng pag-ibig. Na kahit matagal na kayong wala, andito parin. Buhay parin. I thought there's no forever. But I guess what I feel for Heros is not just that word. It's beyond that. It's greater than that. Pero hindi pa ako nakakasiguro ngayon. Natatakot parin ako. Ayaw ko ng masaktan uli. Ayaw ko ng madurog uli. If I want to love again, I want it when I'm whole again.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pag gising ko ay umaga na. Sa sobrang pagod at sa dami ng iniisip ay naging mahimbing at straight ang tulog ko.

Like my usual routine ay naligo ako at nag bihis. It was too early nang bumaba ako. Dumeretso ako sa kusina para sana mag hanap ng gatas ng makita ko si Heros na nagluluto. It smells like corned beef and bacon.

Nagdalawang isip pa akong pumasok pero sa huli ay dumeretso na ako papasok ng lumingon siya at nakita ako.

I was too nervous to say something kaya I stay silent. Binuksan ko ang malaking fridge at kinuha ang isang bote ng fresh milk. It's really fresh dahil kuha ito sa mismong baka namin sa farm.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon