Kabanata 25

3.6K 98 9
                                    

Messy

Sinalubong agad kami nina Tita Mariella, Manang Zana at ang kanilang mga bisita maging ang iilang kasambahay.

Isinugod na nila Mayor Hex at Vice Mayor Gileon si Webster sa hospital. Ipinaliwanag naman ni Heros at Tito Heu ang nangyari bago nagpaalam sila sa'min para pumunta sa presinto para mag bigay rin ng statement. Kino-contact narin nila ngayon ang mga Gonzalez, pamilya ni Webster, para ipaliwanag ang nangyari.

Hindi muna ako ipinasama ni Heros dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa trauma. Pero giniit ko na bukas ay pupunta ako sa presinto para mag bigay ng statement at para mag sampa ng complain. What Webster did should not be taken lightly. He almost rape me. Kung hindi dumating sina Heros ay baka nababoy niya na ako.

Pina inom nila ako ng tubig. Yakap ko parin ang maluwang na checkered long sleeves ni Heros. Pina-upo nila ako sa sofa at pinakalma. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin si Manang Zana at matulala.

"Papupuntahin ko dito bukas si Doctor Alfred Manang Zana. Aya needs to be check up. She have some few bruises." Ani Tita Mariella.

"Maraming salamat, Mariella. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa batang ito. Lagi nalang sinusundan ng kapahamakan." Si Manang Zana habang umiiyak.

"Tama na po Manang Zana. Huwag na po kayong umiyak at baka makasama sayo." Ani Hellina sabay abot kay Manang Zana ng isang basong tubig.

"Sorry po, Auntie Zana. Pinag-alala ko na naman po kayo." Sabi ko at mas hinigpitan ang pag yakap sa kanya.

I've always put myself to mess. Kung hindi pag-aalala ay perwisyo naman ang dinadala ko sa kanilang lahat. I don't want to be the center of their attention yet I always fail not to do it.

"Hindi na talaga kita papayagan sa susunod na umalis ng mag-isa. Simula ngayon, dito ka lang sa loob ng mansyon." Aniya.

"Mabuti pa't ipagpahinga narin muna natin siya, Manang Zana. She has still trauma and it's better for her to take a rest." Usal ni Tita Mariella.

Tumango naman si Manang Zana at tumayo. Giniya nila ako papunta sa kwarto. Sandaling nag bihis ako at ng matapos ay humiga na sa kama. Tinabihan ako ni Manang Zana habang naka upo siya sa gilid ko at sinusuklay ang aking buhok. Hindi na ako nakaramdam ng gutom sa paghahalo-halo ng emosyon ko.

Nagising ako kinabukasan at andoon parin si Manang Zana sa tabi ko at natutulog. I look at her and I smile faintly. Ilang sandali lang ay nagising narin si Manang. Sabay kaming lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina.

Pag dating namin roon ay naabotan namin sina Manang Susanna, Manang Auring at April na naghahanda ng breakfast.

"Oh, Zanaida. Gigisingin ko na sana kayo eh. Ang sabi ni Ma'am Mariella eh sumabay na daw kayo sa agahan nila ngayon. Pumunta na kayo sa dining table at andoon na silang lahat." Saad ni Manang Auring.

"Nakakahiya naman. Dito nalang siguro kami, Auring." Sabi ni Manang Zana.

"Ayy sus, sige na Zanaida. Hiling iyon ni Ma'am Mariella at Sir Heustacio." Giit nito.

Hindi na komontra si Manang at tumungo nga kami sa dining area. Nahagilap agad ng mga mata ko si Heros. His eyes went directly to mine when we entered the room.

"Manang Zana and Aya please saluhan niyo po kami. Diyaan na kayo tumabi kay Heros." Ani Tito Heu.

Ngumiti at tumango naman si Manang Zana saka niya ako giniya kung saan naupo si Heros. Si Tito Heu ang naka upo sa center chair at sa kaliwang side niya si Tita Mariella kasunod si Hellina at ang asawa nito si Vice Mayor Gileon. On the right side ay si Mayor Hex kasunod si Heros, ako at si Manang. Sa kabilang center chair ay ang padre pamilya ng bisita nila. Iyong sa kaliwang side na katabi ni Manang ay ang asawa ata. At sa right side malapit sa tabi ni Vice Mayor Gileon ay ang isang magandang babae. Nakita ko na sila kahapon pero dahil sa medyo pag out of space ay ngayon ko lang sila natitigan ng maayos.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon