Ika-dalawampu't walong kabanata

Start from the beginning
                                    

"Ayos lang naman. Wala namang problema sa akin. It's actually the different side. Is it okay with you? For me and for my child to be here?" balik na tanong ng kaibigan.

"Oo naman. Bakit hindi, di ba? Matagal ko na ring hinintay ito. Ang makasama ka at makilala mo ang mga kaibigan ko." sabi ni Luz sa kaibigan at niyakap pa ito pagkatapos ilapag ang tray.

"Kids stay here, okay? Your daddy and I just need to talk. While mommy and her friends will take care of our foods." sabi ni Leo at tinignan pa sina Luz pati na rin ang babaeng nasa likod nito.

"By the way, can I ask a question about you and the kids?" tanong ng kaibigan niya sa kaniya pagkapasok nila sa kusina.

"Sure. Ano ba yun?" tanong ni Luz at nginitian pa ito at ang babaeng nakasunod lamang sa kanila.

Nagkaniya-kaniya sila ng napiling lulutuin kaya naman kani-kanila silang hiwa katulong ang mga kasambahay at ang chef ng bahay ni Leo.

"Did Night's parents already knew that he got you back with the kids?" tanong ng kaibigan na nagpatigil sa kaniya sa paghihiwa ng sibuyas.

Tumingin siya sa kaibigan at nakitang napatigil din ito pati na rin ang babae ni Leo at nakatingin lamang sa kaniya naghihintay ng sagot niya.

"Hindi pa eh. Sabi ni Night ipapakilala niya na ang mga bata kina tita kapag nakabalik kami galing bakasyon ngunit naubusan ng oras dahil naging busy kami sa pag-aasikaso ng kaligtasan ng mga bata. Kaligtasan natin." sagot ni Luz at ngumiti.

"Ganoon ba? Paano naman ang magulang ni Night? Baka mag back fire yung pagtulong ni Night kay Leo." sabi muli nito.

"Hindi naman sila pinababayaan ni kuya Leo. Kaya laging busy yun at seryoso. Ayaw niya kasing magkamali at malaman ng kalaban ang kahinaan niya." sabi ni Luz at ngumiti nang maalala ang ginagawa ni Leo para sa kanilang lahat.

"Pero malambot siya pagdating sa iyo." rinig ni Luz na bulong ng babae na kanina pa tahimik at nakikinig lamang sa kanila.

"Siguro bumabawi lang siya dahil hanggang ngayon tingin niya ay nakapabayaan niya ako noong nawala ako. Nung mga panahon kasing iyon ay ang panahong itinalaga siya bilang pinuno ng organisasyong iyon." paliwanag ni Luz.

"Ganun kaaga siyang nawalan ng kalayaan?!" di makapaniwalang sabi ng babae.

Malungkot na tumango si Luz dito at iniba na ang pinag-uusapan. Wala pang isang oras ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Night pati na ang pamilya ni Grey.

***

Pinagplanuhang mabuti nila Leo ang kanilang gagawin sa isang bahay na tinatawag niyang HQ. Isa itong maliit na bahay ngunit kapag pinasok mo ay malalaman mo na hindi lamang ito isang simpleng bahay.

Gaya ng isang simpleng bahay ay mayroon itong sala, isang kwarto, kusina na katabi lamang ng sala at isang C.R na ang walang bathtub o heater sa shower.

Ang telebisyon ay sumusukat lamang ng 24" inches. At ang lamesa sa sala ay siya na ring dining table. Hindi elegante ang mga gamit maliban na lamang sa refrigerator na kasing laki ng tao at may dalawang pintuan.

May finger print lock ito at may code na pipindutin sa screen kung saan binabago ang temperatura ng ref. Bawat miyembro ni Leo ay alam ang code na magdadala sa kanila sa underground ng bahay at may sari-sariling paraan sa pagpasok.

Masyado kasing 'fan' si Leo ng isang libro o nobelang pinamagatang sherlock Holmes. Kaya naman bawat isang papasok o bawat grupong papasok ay may kung anu-anong pinagdaraanan pang mga pagsubok.

Pagsubok na kung ika'y magkakamali ay ika'y mamamatay. Ganoon kahirap maging isang miyembro ng organisasyong pinapatakbo ni Leo.

Ayaw niya ring nahuhuli sa oras dahil lahat ng mahuhuli ay hindi na rapat sumupot o kamatayan ang magiging kapalit.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now