~To: Sheena~

Sure... saan tayo magkikita?
Message Sent

Ipinagpatuloy ko ang pag senturon ng pantalon ko at matapos nun ay ang pag sintas ng sapatos ko..

~From: Sheena~

Dito nalang sa cindee's coffee shop
7:16am

Nang mabasa ko ang message nya ay agad kung pinaharurot yung motor ko..

Ano kayang sasabihin nya?

May problema ba sya??

Bakit ako nanaman yung tatawagin nya?

Tsk!

Punong puno ng tanong ang isip ko habang nagmamaneho at halos lahat yun ay wala ni isang masagot

Nang makarating ako sa Cindee's Coffee Shop ay nakita ko na agad sya sa may bungad...

Ngumiti ako ng ngumiti siya sabay pasok...

"Ow.. morning" bati ko

"Morning" ngumiti pa siya...

Nag order muna kami ng kakainin bago siya nag umpisang magsalita

"Gusto ko sana... magkaayos ayos na tayo nila Mckenzie" panimula nya kaya itinigil ko ang pagkagat ng sandwich

Actually lahat ng yun ay dahil sayo.. pero never kitang sinisi...

"Gusto ko rin naman eh.. bukas Intrams na.. gusto ko bago matapos ang isang linggong Intrams ay ayos na tayo" sagot ko naman

"Hindi ko alam... pero hindi ako makatulog eh.. pakiramdam ko kasi ay galit paren sya saaten.. pero hindi naman kita inagaw sa kanya eh... wala akong inagaw gusto ko lang talaga na maging kuya kita.. pero hindi ko naman alam na nasobrahan na pala at nagselos sya kasi nga nag iisang kuya ka nya..." mababasa mo ang sinsenredad na nagmumula ngayun kay Sheena

"Alam ko naman eh.... alam kung sobra ang galit na nararamdaman nya ngayun... alam kung nagseselos narin sya eh.. wala akong magagawa kundi ang suyuin at mag sorry sa kanya.." ani ko naman

"Pakiramdam ko kasi ay kaya siya sumali sa Boxing na yun dahil gusto nyang ibuhos lahat ng galit na nararamdaman nya"

"Ganyan rin ang nararamdaman ko.. pero iniisip ko na never sumuko o umatras si Jam at kahit matigilin natin siya ay hindi naman sya titigil..." umiling pa ako at tumikhim ng kape

"Siguro ito na yung tamang oras para suyuin siya at mang hingi ng tawad mula sa kanya.. ayukong lumala ang pagbabago ng ugali nya" usal nya at gumagat ng sandwich nya...

"Yun lang ang natitirang paraan Sheena kaya sana maging matagumpay ang lahat ng gagawin natin bukas..." hindi nawawala ang lungkot na nararamdaman ko ngayun...

"Hindi ba't may binili kang gitara na kagaya ng gitang ibinigay rin ng lolo mo?" Tanong nya at tumango ako "pede natin gamitin yun...para masuyo siya" nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa sariling sinabi nya

"Mahilig rin siya sa Cookies and Cream na kahit anong pagkain" nagliwanag rin ang mukha ko sabay ngiti

"Lalo na yung Ice Cream" nakangiti paring sabi nya... tumango tango ako at ngumiti... sobrang lawak ng ngiti namin dahil sobrang ganda ng planong inihahanda namin para bukas...

Hindi namin alam kung paano ngayun ilalabas ang saya at excite na nararamdaman namin..

Sana umobra

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now