Lumingalinga ako na tila may hinahanap. At ayon na nga... "Who are you?" nakakunot noong tanong ni Warren sa akin.


Naramdaman ko ang hiya sa aking katawan kaya napaupo ako sa sofa. Napalingon ako sa paligid. Nasa sala pala kami. Muli kong binalingan ng tingin si Warren na nakaupo na rin sa tabi ko.


"Anak?"


Hindi pa nakakasalita si Warren ng sumingit ang aking ina. Napayakap ako agad sa kanya. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa 'yo? Bakit ka ba nahimatay? Jusko kang bata ka!" sunod sunod na tanong ni Mama ngunit tumango lang ako.


"Allana?"


Napatingin kaming tatlo sa lalaking nagsalita. Mukhang ito si Sir Dovan Velez. Kahit alam kong may edad na siya ay kitang kita pa rin ang kagwapuhan nito. Kahit ang mga features nito sa mukha ay kitang kita pa rin.


Nalipat ang tingin niya sa akin. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin ito ng ngiti. "You must be Aubi."


Napangiwi ako ng marinig ang pagka-prounounce niya sa pangalan ko. "Abi po, Sir. Hindi Aubi." Ngumiti ako.


"Ah, oo nga. Pasensya na." Iginawi niya ang tingin niya kay Warren na ngayon ay nakaupo pa rin sa tabi ko.


"Oh, this is my son, Drexel. Siya ang panganay ko." Nakangiting pinakilala ni Sir Dovan si Warren. Tumayo naman si Warren at mukhang naiinis ito.


Hindi kami sinagot nito. "Who are they? Bagong kasambahay ba sila, Dad?" tanong niya at madiin na nakatingin sa kanyang ama.


Umiling si Sir Dovan at tinapik ang balikat ni Warren. "Bukas na tayo mag-usap, Drexel. Mabuti pa't ihatid mo na si Abi sa kwarto niya."


"Pasensya na kayo pero oras na ng pagtulog. So, maybe it's better if we talk about everything tomorrow." Tumango si Sir Dovan at umalis.


Pinaalam ni Mama na babalik siya mamaya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Warren dito sa sala nito. Napatingin ako sa kanya kaya napatingin na rin ito sa akin.


Inilahad ko ang aking kamay at ngumiti. "Hi? Ako si Aubrielle..." sinubukan kong hindi mautal dahil lagot ako pag nalaman niyang tagahanga nila ako!


Tiningnan niya lang ang kamay ko at dirediretsong umakyat sa hagdanan nila na pagkalaki-laki.


Aba, bastos!


Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Napatigil kami sa isang puting pinto. Nilingon niya ako at bigla niyang ginulo ang aking buhok na siyang pinagtaka ko?


Bakit niya naman guguluhin ang buhok ko? Eh, mukha pa ngang naiinis ito sa amin. Kaya hindi ko na napigilan na mag tanong at umiwas sa kanyang kamay.


"B-Bakit?" nauutal na tanong ko.


Napa-iwas siya ng tingin. Tinuro nya ang pinto at tumalikod. "Iyan ang kwarto mo." Asik niya.


Pinihit ko ang doorknob at magpapasalamat sana ako sa kanya ng hindi ko na ito makita. Napagdesisyonan ko na bukas nalang magpasalamat kaya naman akmang papasok ako ng muli siyang magsalita.


"Uhm, you can call me on my door if you... need anything. Or just ask the maids." Nakasimangot pa ito habang sinasabi niya 'yon.


Mukhang utos naman ata ito ng kanyang ama kaya ngumiti nalang ako. "Sige, salamat. Saan nga pala ang kwarto mo?" tanong ko. Agad naman niyang itinuro ang kwartong nasa kaliwa ko sa hallway.


Tumango ako at nagpaalam naman siya kaya pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Malaki rin iyon.


Natigilan ako ng may maalala. "Totoo bang... nasa kabahayan ako nila Theo Velez?!" hindi makapaniwalang sabi ko.


Ibig sabihin ay narito rin ang iba nilang kapatid? Si Kyle, Nixon, at Vince?! Sa iba na ata napunta 'yung tadhana na sinasabi ni Riley. Alam kong hindi naman sila artista o ano. Hindi rin naman sila ganon kasikat. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit parang ang bilis ng pangyayari?


Gusto kong tawagan si Riley pero malamang tulog na 'yon kaya napag-isipan ko na bukas ko nalang sabihin.


"Magandang umaga, hija." Boses iyon ng isang lalaki. Napaupo ako at kinusot ko ang aking mata. Napabalikwas ako ng makita ang taong nasa harapan ko. Sir Dovan!


"Magandang umaga rin po, S-Sir Dovan?" nag-aalangan na sabi ko. Ngumiti siya at tumango.


"Tito Dovan nalang, anak. O kaya Dad. Kung saan ka komportable, hija." Ngiti niya at umupo sa aking kama.


Ngumiti rin ako pabalik. "Salamat po, Tito-"


"Anong dad?!"


Natigilan kami ni Tito Dovan ng marinig ang galit na boses ni Warren sa may pinto. Gising na pala ito. Napatingin ako sa orasan na nasa pinto. Anak ng! 12 o'clock na pala ng tanghali!


Napayuko ako. "Pasensya na po, hindi ko po napansin ang oras-"


Hinawakan naman ni Tito ang ulo ko. "Ayos lang, hija. Bakasyon naman. Tsaka, pagod kayo ni Allana sa biyahe." Ngumiti ito sa akin at hindi pinansin si Warren na binuksan na ang pinto ko ng walang pasabi.


"Manners, Drexel. Malaki ka na, learn how to respect your sister." Matalim ang titig ni Tito Dovan kay Warren. Nagulat naman ito sa sinabi ng kanyang ama. Pati ako ay nagulat na rin.


Anong sister? Tsaka, tinawag ako ni Tito na anak? Ano ba 'to? Role play? "Teka, ano pong kapatid...?"


Nilingon ako ni Tito at ni Warren. "Akala ko ba ay kasambahay silang dalawa? Anong kapatid ang sinasabi mo, Dad?"


"Balak naming magpakasal ni Tita Allana mo..."


Kasal? Agad? Ang sabi ni Mama ay matagal pa iyon. Noong una ay wala naman talaga akong pakealam pero ngayon... Hindi ko na maisasabi 'yon. Hindi ko sila kayang ituring na kapatid...


Hindi dahil naghahanga ako sa kanila. Dahil mukhang ang baba ng tingin nila sa 'kin kay Warren palang ay matutunaw na ako. Paano pa kapag nakaharap ko na ang magkakapatid. Napailing nalang ako at muling itinuon ang atensyon sa mag ama.


Bumaba ako ng matapos mag-usap ang mag-ama. Nagulat pa nga ako sa pagsigaw ni Warren sa kanyang ama. Tungkol doon sa kasal, ay nagbibiro lang pala si Tito Dovan. Nakahinga naman ng maluwag si Warren ng marinig iyon pero alam kong naiinis pa rin ito.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jan 26, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Arrival of DawnUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum