72

1.1K 62 2
                                    

Pabagsak kong binaba ang plato. "Oo na!" inis kong sabi habang naghuhugas.

Pano ba naman kasi! Tinambakan niya ako ng hugasin ngayong Sabado. Ilang araw ko kasi siyang hindi pinansin at ewan ko ba kung bakit inis na inis siya!

May bigas naman na siya, eh bakit umaakto pa siya ng ganyan?!

Kasalanan naman niya kung bakit ako umiiwas sa kanya, eh! Kasi nga MAHAL niya raw 'yung bruhildang bigas na 'yun!

Sige magmahalan silang dalawa! Nyemes!

"Pagkatapos mo diyan, mag-vacuum ka sa buong dorm except sa kwarto ko," utos niya habang pinapanood akong maghugas.

"Ihampas ko sa'yo 'tong plato, eh!" bulong ko na alam ko namang narinig niya.

"Sige na, tapusin mo na 'yan at maggo-grocery tayo."

Pumasok na siya ng kwarto matapos niyang magsalita kaya inis kong binagsak ang hinuhugasan ko't inis siyang tinignan papasok sa kwarto niya.

"Nakakainis kang hunghang ka!"

May galit kong tinapos ang aking mga hinuhugasan na ewan ko ba! Ang ilan kasi sa hinuhugasan ko'y hindi naman marumi. Sinadya talaga!

Pagkatapos kong maghugas, kinuha ko ang vacuum cleaner saka nilinisan ang buong sahig ng dorm. Sinama ko na rin ang kwarto ko't nag-ayos ako ng gamit.

'Yung mga marurumi kong damit, nilagay ko sa basket dahil kukunin mamaya ng mga naglalaba ng mga damit. Oo hindi kami ang naglalaba sa mga damit namin, pero syempre except sa mga under garments, kami ang naglalaba dun. Syempre mahiya ka namang ibang tao ang naglalaba ng panty at bra mo.

'Yung Shanon naman, 'yun nagpapadala pa rin ng kung ano-ano. Hindi ko na nga masyadong pinapansin dahil naiinis na rin ako sa kanya. Padala ng padala ng kung ano-ano, puro tambak na tuloy sa kwarto ko ng mga padala niya.

Kung hindi ko lang gustong ibalik yung mga binigay niya, edi sana matagal ko ng itinapon ang mga 'yun. Ang tinatapon ko lang talaga ay 'yung morning glory na binibigay niya sa akin.

Kung tinatanong niyo si gunggung na Lawrence, 'yun pumapasok na, ang kaso umiiwas siya sa akin. Hindi ko rin muna siya pinapansin kahit na nagtataka pa rin ako sa sinabi niya.

Ilalabas ko na sana ang vacuum cleaner ng bumungad sa harapan ko si hunghang.

"Ano tapos ka na?" nakahalukipkip niyang tanong.

"Ay hindi. Hindi pa. Tabi nga d'yan," sagot ko bago ilabas ang vacuum.

"Magbihis ka na para hindi tayo gabihin," sabi niya't umalis na ulit sa harapan ko.

Inis kong binalik ang vacuum cleaner sa pinagkuhanan ko't bumalik na sa kwarto para magbihis. Kahit naman na ayokong sumama sa kanya, naisip kong kailangan ko na rin bumili ng mga gamit ko lalo na ang mga gamit sa banyo.

Naligo muna ako at mabilisang nag-ayos. Wala rin lang namang kwenta kung maga-ayos ako. Wala naman akong papagandahan.

Kasi nga diba... MAHAL niya ang bruhildang bigas na 'yun!

Nag-all black ako ngayon kasi baka mamaya mapahiya na naman ako, kahit na tapos na akong datnan ngayong month. Nagi-ingat lang, kasi nakakahiya na ang nangyari sa akin noon ayoko ng dagdagan pa.

Paglabas ko, agad siyang bumungad sa harapan ko't tinignan ako ng buo. "Buti hindi mo naisipang mag-all white," puna niya habang tinitignan ang buong suot ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nauna na siyang lumabas ng dorm. Sumunod na lang ako sa kanya kahit na naiinis na talaga ako.

Pakisabi nga sa akin kung paano ko nagustuhan 'tong hunghang na ito! Pakisabi nga! Kasi naiinis na ako sa nangyayari.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingWhere stories live. Discover now