15

2.2K 106 7
                                    

Unti-unti silang lumapit sa akin at ang mga bobong nakasakay sa motor, nagpapasikat pa akala mo naman ang galing-galing. Unti-unti rin akong lumayo at sinisiguro kong handa ako sa mga gagawin nila kung sakali.

"Oh? Bat lumalayo ka? Ganyan ka na ba talaga katakot? Hahaha..." mayabang na sabi ng kumag.

"Tangina mo! Kapag ako nakalapit sa'yo, sisiguraduhin kong mabubura 'yang mukha mo!" sigaw kong sagot pero mas lalo lang siyang tumawa ng malakas. Lumingon ako sa paligid at kung minamalas ka nga naman, wala akong makitang pwedeng takbuhan.

Buset, mapipilitan akong labanan sila. Kasi kung tatakbo ako, mahahabol ako nung mga alagad niyang nakasakay sa motor. Wala na akong choice. Binaba ko ang bag ko't tumigil sa pag-atras. Wala na talaga akong choice kundi ang labanan ang mga 'to. Good luck na lang sa akin.

"Sige pagbibigyan ko kayong lahat pati 'yang mga asungot mong kasama. Pero kapag natalo ko silang lahat, ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo kahit kailan, naintindihan mo?!"

"Sige," nakangiti niyang tugon at sumandal pa sa pader habang nakatingin sa akin.

Kainin ka sana ng pader bwisit ka!

Dahan-dahang lumapit ang mga asungot niya matapos niyang magsalita, kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pagsugod nilang lahat.

"Alam mo miss? Maganda ka at ayaw ka sana naming saktan. Pero maraming sinabi si boss na hindi maganda, kaya sorry ka na lang," sabi ng isa na akala mo nama'y may pakinabang ang lumabas sa kanyang bibig.

"Dami mo pang sinasabi." Sinuntok ko ito sa mukha at sinigurong malakas dahil sa kanila ko ibubunton ang nararamdaman kong inis.

Natawa ang mga kasama niya dahil sa ginawa ko. Pati siya nakitawa rin, kaya nainis ako sa inasta nilang lahat. Hindi ganito ang inaasahan kong ipapakita nila sa akin.

"Boss, masyado nga talaga atang seryoso ito! Hahahaha!" sigaw ng lalaki na sinuntok ko habang tumatawa. Hindi ata nasaktan ang gago.

Lumingon ako sa kanya at hanggang ngayon, nakangisi pa rin siya habang nakangiti sa akin. Umalis ito sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa aking direksyon. Lahat sila ay pinagtatawanan na ako ngayon. Tangina naman ng mga ito!

"Masyado ka namang seryoso, hindi naman ako tanga para ipabugbog ka sa kanila. Hindi ako katulad nung mga huli mong nakalaban. Alam ko namang hindi mo sila kakayanin." Puno ng yabang ang lumalabas sa kanyang buong katawan. Hahawakan niya na sana ako sa pisngi nang lumayo ako't tabigin ang kamay niya.

"'Wag na 'wag mo ngang ilalapit sa akin 'yang napaka-rumi mong kamay!"

Tumawa lang siya bilang sagot at tumalikod na sa akin. Nagsimula na ring umalis ang mga asungot niyang kasama pero lumingon pa muna siya sa akin sa huling pagkakataon bago tuluyang umalis.

"Magkikita pa tayo ulit Caroline," huling sabi nito at tuluyan ng nawala sa aking paningin.

Naiwan naman akong inis na inis sa kinatatayuan ko dahil pinag mukha niya akong katawa tawa sa kanya at sa kanyang mga kasama!

"Buset ka! Mamatay ka na!" sigaw ko kahit na alam kong hindi na niya narinig ang aking sinabi.

Pinulot ko ang bag ko at padabog na umalis sa lugar na iyon. Laking gulat ko na lang nang makita ko 'yung asungot sa mall. Nakatingin siya sa akin at parang nag-iisip. Lumapit ako sa kanya saka walang pasabing sinuntok siya sa mukha. Hindi niya nailagan ang suntok ko dahil muntanga siyang nag-iisip ng kung ano-ano.

"Shit!!" Mura nito't tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"Bakit ka nandito?!" inis kong tanong sa kanya.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingWhere stories live. Discover now