50

1.5K 81 2
                                    

"That's it for today, good job guys," sabi ni four eyes.

Nakarami rin kami ng nakunan ngayon at masasabi kong naging maayos naman ang lahat.

Except sa naiinis ako dahil sa tuwing may sasabihin si four eyes na ikinaiinis ko, kailangan kong manahimik at sumunod.

"Tulungan na kita," presintang sabi ni gunggung na Lawrence.

Tinigil ko ang aking ginagawang pag-aayos ng camera. "Sabi mo, eh," bagot kong sabi't ibinigay sa kanya lahat ng hawak ko.

Halos muntik niyang mahulog lahat ng ibigay ko sa kanya na nagpangiwi rito.

"Grabe ha."

Tinignan ko siya. "Sabi mo tutulungan mo ako diba? 'Yan... ayusin mo lahat 'yan," walang gana kong tugon.

Bumasangot siya't umayos ng tayo. "Pero hindi ko sinabing akin na lahat 'yan."

"Eh, kung ihampas ko sa'yo lahat 'yan?" banta ko.

"Toh naman, joke lang. Chill ka na, hindi na ako magto-talk."

Kinuha ko na lang ang nag-iisang camera sa di kalayuan at inayos.

Aarte lang 'yang gunggung na 'yan.

"Saan ko ito ilalagay?" tanong ko kay four eyes nang lumapit ako rito.

Napatingin siya sa akin. "Sa dorm niyo ni Tristan, sa kanya lahat 'yan."

Muntik ko ng mabitawan ng malaman kong kay hunghang yung mga camera.

Yuck! Paniguradong may germs na ni hunghang 'yang mga 'yan!

"By the way... bukas, babalik na si Tristan at gusto niyang i-compile mo sa computer niya yung mga shinoot natin ngayon. Sinabi rin ng dean na dahil mag-isa ka sa dorm ngayon. Doon muna ako matutulog para ma-monitor ka habang wala pa si Tristan."

Psh... grabe talaga, ako na. Ako na ang bagong presidente ng Pilipinas. Grabe sila makabantay!

Ramdam ko na nakatingin sa akin si gunggung na Lawrence na nakalapit na pala't mukhang nailagay na sa bag ang mga dala niya kanina. Tinaasan ko siya ng kilay ng siya'y aking lingunin.

Pero imbis na ngiti ang sinukli niya na lagi niyang ginagawa, eh isang irap ang sagot niya.

Eh? Nababading na ba siya?

"Tara na," sabi ni four eyes kaya naman bumalik ang aking tingin dito.

Kinuha niya ang ibang bag na may laman na camera habang ako, kinuha ko ang ibang parts na nakalagay rin sa isa pang bag.

Hindi na sumunod sa akin si gunggung na Lawrence kasi nilapitan siya ni Aj. At kung ano man ang pag-uusapan nila, malay ko sa kanila bahala sila d'yan.

Mga gunggung sa buhay.

Lawrence's POV.

Lalapit na sana ako kay Caroline para tulungan ito ng lumapit sa akin si Adam.

"Gusto kang makausap ng dean."

"Bakit daw?" tanong ko habang tinatanggal ang suot kong costume.

"Hindi ko alam pero pumunta ka na lang doon," sagot niya't aalis na sana ng magsalita ako.

"Gusto mo siya?" tanong ko, dahilan para mapahinto ito aa paglayo.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako. "May dahilan ba ako para hindi siya magustuhan?"

Lumapit ako sa kanya at tinignan siya sa kanyang mata.

"Layuan mo na siya," nagbabanta kong saad.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingWhere stories live. Discover now