Damien's POV
Bigla nalang akong nagising dahil di ko alam. Para bang may kumalabit sakin. Medyo nagulat lang ako nung humarap ako sa aking study table at nakitang may nakahandusay sa desk, tulog. Tinignan ko muna ang oras sa aking orasan. 1:43 AM. Bumangon ako sa aking kinahihigaan at tinignan ang tao sa aking lamesa, si Benjo lang pala. Nakakatuwa, ang himbing nang tulog niya. Napansin ko rin na nandito rin si Enzo, tulog na tulog din, maaga kasi pasok nito mamaya, ako bukas pa. It's Monday today, so marami pa kong free time. Tumingin ako sa aming bintana, ang ganda ng buwan ngayon. Malaki at manilaw-nilaw. Kinumutan ko muna si Benjo ng aking kumot dahil mamaya pa ko makakatulog nito at binuksan ko ang aking cabinet. Hinalungkat ko ang aking mga damit ng hindi ito nagugulo at sa bandang likod ay nakatago ang aking gitara at ang notebook na kasama nito. Ngayon ko lang uli ito nahawakan ever since nagbreak kami ni Adam. Para bang nung nangyari ang aming break-up eh nawala na rin ang aking talento sa pag-gitara.
Lumabas ako ng kwarto namin ng dahan-dahan. Dala-dala ko yung susi na hiningi namin kay kuya na papunta sa bubong. Napakaganda talagang umakyat dito tuwing madaling araw. Tahimik, walang mga taong naglalakad, at ang ganda ng layout ng campus. Parang park ang dating.
Sinigurado ko munang nasa taas ako ng unit namin para hindi makaistorbo sa iba kasi sa lamig ng panahon ngayon tuwing gabi eh pwede ka nang hindi mag electric fan. Nilapag ko ang notebook at tinignan lahat ng mga lyrics na nakasulat dito. Buti nalang I had the habit na ilagay din ang chords sa taas ng mga lines para hindi ako maguluhan. Nakita ko na ang matritripan kong kantahin. Tinignan ko lahat ng chords na nakalagay sa taas at inisa-isa ko sila para matandaan ko pero lahat ng chords ay nakasulat sa likod, just in case nakalimutan ko kung pano sila gawin. Mga ilang minuto lang eh nagamay ko na ang kanta na tutugtugin ko. Tanda ko pa ang lyrics nito so napadali ang aking gagawin.
Tinignan ko uli ang buwan, ang ganda talaga. Niready ko na ang sarili ko at sinimulan na ang seryosong pagtugtog. Habang ginagawa ko pa ang intro ay biglang umihip ang hangin na may dala-dala pang mga dahon. Pang teleserye ang peg haha. Nang matapos na ang intro ay sinimulan ko na ang pagkanta.
I never told you why I'm with you
But let's be honest I was scared
I couldn't bear that I might lose you
It makes my words come out confused
There's something in your smile
That keeps me coming back
Something in your eyes
That makes me melt inside
Something in your words
That makes me feel like I am safe
And makes me know that I'm alive
So why not go after another
Is what you asked me to explain
Cause only your hand fits inside of mine
As if they were a lock and key
Was I choking on the moment
Or did fear overcome love
Then your eyes looked into mine
And I knew that we were safe
And I knew we were alive
Sometimes it's just hard to say how two can feel this way
Some may call us both insane and I won't deny it
Certainty of broken hearts battles to be fought and lost
Smashing of two into one is what we desire
At the end of all of this promise me with stubborn lips
You'll know the sound of my voice as I sing this
There's something in your smile
That keeps me coming back
Something in your eyes
That makes me melt inside
Something in your words
That makes me feel like I am safe
And makes me know that I'm alive
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(While Damien is terrorizing the roof)
Benjo's POV
Nagising ako bigla dahil sa kirot ng aking lower back. Ikaw kaya matulog nang ganun katagal sa isang desk tignan ko lang kung hindi sumakit yang likod mo. Napansin ko na may kumot palang nakabalot sakin. Siguro eh si Enzo lang naglagay sakin nito. Tinignan ko ang oras sa desk ni Damien, 1:44 AM, wala naman din akong pasok ngayon so okay lang kung mamaya pa uli ako matulog. Nang medyo nahulasan na ko sa aking antok tinignan ko kama ni Damien. Wala siya dun, at narealize ko na kumot niya pala ang nakabalot sakin. Ang bango lang.
Cause only your hand fits inside of mine
As if they were a lock and key
Narinig ko bigla yun, parang pamilyar sakin yung boses. Lumabas ako ng kwarto nila nang tahimik at tumingin sa kabilang end ng hall away from the stairs. Bukas yung pinto na nasa dulo ng corridor, I guess that leads to the roof then kasi may moonlight. Tinakbo ko ang corridor papunta dun sa pinto at inakyat ang roof at may nakita akong tao na nagpapatugtog. Dahan-dahan akong lumapit at nang itaas ng tao ang kanyang mukha nagulat ako, si Damien nga. Lalo pa kong nagulat at natatamaan ng moonlight ang kanyang maamong mukha. Kita ko talaga ang kanyang mala-anghel na mukha. Lalo at akong nahulog dito. Buti nalang di pa niya ko napapansin. At lintik ang ganda ng timing ng hangin. Parang teleserye lang. Nakakatanga. Di ko na talga mapigilan sarili ko at nilapitan ko siya, pero di parin niya ko napapansin kasi dahan-dahan talaga ako.
You'll know the sound of my voice as I sing this
Di ko maintindihan kasi nung nakalapit na ko sa likod niya, niyakap ko nalang siya bigla, pero tuloy parin siya sa pag-tugtog.
YOU ARE READING
Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)
Teen FictionHindi natin mapipigilan ang nararamdaman ng isang tao. Minsan, oras lang makakapagsabi kung ano ba talaga ang totoo. Ito ay isang istorya ng dalawang tao na nagkalapit, nagkalayo, at nakahanap ng kanilang karapat-dapat na landas. Ano kaya ang naging...