Prolouge

14.9K 108 18
                                    

May malamig na hanging na dumaan sa damuhan. Ang sarap sa pakiramdam. Parang wala kang pakialam sa mundo. Nakahiga sa damo, habang nasa ilalim ka ng araw. Magtatagal pa sana ako dito sa aking kinalalagyan nung mayrong umepal na mukha.

"Lakas talaga ng trip mong bata ka no?" Sabi ng tao sakin

"Enzo, kung wala kang magawa, pwede bang lumayo ka sakin? Ang sarap na ng higa ko dito sa field." May inis sa tono ko

"Eh kung hinayaan kita malate sa klase natin? Tignan mo oras oh, 1:30 na. 2 ang klase natin." Reklamo ni Enzo

"Ay! Oo nga ano? Tae salamat at nakita mo ko dito sa field!" Sabi ko kay Enzo

Oo nga pala, ako si Damien Cruz. Isang di hamak na college student na nagaaral na maging Veterinarian dito sa isang unibersidad na hindi ko na babangitin. Ang taong nambulabog sakin ay si Renzo Dominador. Siya ang una kong kaibigan dito sa college at simula noon kami palagi ang magkasama. Ngayon ay ang simula ng 2nd semester at nagaadjust palang ako sa college life. Papunta na kami sa aming klase nang biglang...

BOOOOOOOG!!! May lintik na bumangga sakin. Grabe tong tangang to, madali ng madali hindi tinitignan kung saan dumadaan. Pero nawala ang inis ko nung nakita ko kung sino or ano ang aking nakabanga. Itong simpleng bangga na ito ang nagbaliktad sa aking buhay kolehiyo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note

Hellooooooo!!! REDmasquerade po. Salamat sa pagbasa ng Intro ng Don't Forget To Breathe. Inspiration ko dito ang sarili ko at isang certain someone na kilala ko :).Pagpasensyahan nyo na at sobrang ikli ng intro ko kaya...Comment po or vote...kasi medyo di pa ako confident magsulat dito sa Wattpad :) Cheerio!

REDmasquerade

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon