5: Slippery When Wet

3K 19 0
                                    

Naghintay kami nila Imari sa labas ng Java Avenue, good thing 7 pm na. Naghintay, nang naghinaty, at nang naghintay pa kami ulet. Magsasalita na ko ng biglang may tumawag kay Imari.

"Oy pandak!" What the? alam ko pandak si Imari pero mahal ko yan, wag mong maliitin. Mahal ko siya as a friend ha, walang malisya.

"Gago ka Miggy! Teng-ene you!" Nice, lupit magmura nito ni Imari ah. Well as usual mahilig mang-asar to si Miggy

"Ohhhh, party boy na ngayon si Damien ah!" The fuck?! Palagi naman akong party boy, minsan ko lang naman ilabas ang totoong kulay ko

"Really now, your'e late and now you start trolling us? You really have no respect for others" Ayan, pag straight english na ko ibig sabihin nan galit na ko or naiinis na ko sayo.

"Ooooh, stingy, oo na sorry na late na ko at hindi na po mauulit." Di uubra yan sakin gago.

"Whatever, just shut the fuck up." At pumasok na kami sa loob.

Sa loob pala nito malaki, pero sa tingin ko sa gig ngayon ng Java hindi magkakasya dito lahat ng mga pupunta, at dahil summer, the odds na magkakaroon ng sobrang raming tao ay sobrang laki daig pa ang laki ng ComSci department. Figure of speech lang yun mehehe. So we still waited until 9 PM dahil naghahanda pa ang organizer sa party. Nag-order na kami ng drinks para hindi kami mainip, pero nung nainom ko na ang juice, hindi pala ito isang simpleng juice. Naginit ang aking katawan pero kaya ko pa namang tiisin. Napatingin ako kay Imari, napansin ko rin na namumula siya at hindi makahinga. Ang dami kasing tao dito sa loob kahit magsisimula palang ang party, so nakita ko siyang lumabas sa likod para magpahangin at sinundan siya.

"Ang init sa loob no?" Tanong ko kay Imari na halos parang mahihimatay na

"Oo nga eh, ang dami palang tao kahit ganitong oras lng." Sagot niya sakin pagkatapos niyang makuha ang kanyang paghinga.

"OK ka lang? Dapat siguro umuwi nalang tayo." Alam ko kasi na may hika siya kaya nagaalala ako

"Hindi, kaya ko naman eh, saka sayang kung uuwi agad tayo. Lika na ayos na ko." Buti naman, ayaw ko kasing mahimatay to. Kawawa naman.

Nung pumasok na uli kami sa club nahilo ako bigla, pero carry ko naman. Siguro dahil lang sa nainom ko. It's not the first time na nakainom ako ng alak pero pag alam ko kung anong sangkap ang iinumin, hindi ako malalasing agad. Funny pero totoo siya, ganun talaga ako eh.

At nagstart na ang gulo sa loob ng Java. Lahat na nang tao ay nasayaw sa gitna. Habang nakita ko ang iba sa dancefloor ay napansin ko si Benjo na nakaupo lang sa table namin kanina. Parang hindi niya gusto nangyayari ngayon. Napansin ko suot niya ngayon. Black na broashorts, sandals, at white na tank top. Bagay na bagay lang sa kanya kasi ang macho niya. Pero iba ang sigla nang mukha niya nung nakita niya kong papalapit. Napansin ko ang kanyang maikling buhok na nakaspiked-up at ang kanyang mukha. Parang lalong naging kaaya-ayang tignan ang mukha niya dahil sa blacklight ng Java. Nung lumapit na ko kinausap ko siya.

"O bakit hindi ka sumasayaw?"Tanong ko sakanya. Nawala yung ngiti na pinapakita niya sakin nung papalapit ako

"Eh hinihintay kita kasi eh, tara, palabas tayo ng init." Teka, tama ba narinig ko?

Hinayaan ko nalang kung anong sinabi niya. So pumunta na kami sa gitna at inakbayan ko siya kasi nahihilo ako. Naramdaman ko na parang nabigla siya sa ginawa ko pero hinayaan ko na ulit. So nung andun na kaming dalawa sa gitna pinakitaan ko sila ng mga dance moves na ginamit ko sa audition ng isang dance crew dito sa college namin at tuwang tuwa namang silang lahat nang biglang pinatugtog ng DJ ang Party Rock Anthem. Nagsihiyawan ang lahat nang tao at lalong naging magulo ang lugar. Buti na nga lang wala pang nadudulas dahil sa sabon. Sayaw parin kami ng sayaw hanggang sa biglang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Benjo's POV (Bago nahimatay si Damien)

Nakita ko si Imari ang unang pumasok sa likod at kasunod niya si Damien. Parang may tama na si Damien kasi parang siya na nakaubos ng lahat ng drinks na inorder namin. Little does he know na may halong Vodka kaya onti lang ininom ko. Worried ako baka mamaya mawala ang kanyang pag-iisip ng dahil sa sobrang rami ng nainom niya. Ayan na siya, papalapit na. Ang ganda nang suot niya ngayon. Iba style ng buhok nya ngayon. One sided pero hindi mukhang emo. May onting tirik na buhok. Lalo pang bumagay sakanya ang itim nyang tank top pero nakapantalon siya. Boot cut ang style ng jeans, oo at alam ko ang iba't ibang uri ng jeans. I must say eye-catching outfit niya ngayon. Napangiti ako sa kanya nang lalo siyang lumapit sakin. Medyo nagewang na siya dahil sa tama ng Vodka. Yan kasi, inom ng inom.

"Oh bakit hindi ka sumasayaw?" Tanong niya sakin. Nako, may onting tama na rin ako.

"Eh hinihintay kasi kita eh, tara, palabas tayo ng init." Siguro naman walang malisya yun.

Pumunta na kami sa dancefloor ng Java Ave. Pero bago kami nakarating dun eh inakbayan niya ko. Nagulat ako sa ginawa niya sa dalawang paraan. Una it felt disturbingly good. Pangalawa ay nagulat ako sa sarili ko. Pero hinayaan ko nalang yun kasi pag nakita mo naman siyang maglakad ngayon ay nagewang na. Pero sa tingin ko, kaya pa naman niya eh. Nagsimula na kami sumayaw. Ang saya ng moment dahil everyone was watching Damien dance. Astig ng moveset niya. Pero after matapos nung kanta eh bigla siyang nahimatay. Nako, buti nalang nasalo ko siya.

"Shit! Guys, nahimatay si Damien!" Napatigil silang kakasayaw. Buti nalang mga totoong kaibigan tong mga kasama niya.

"Ayyy, normal yan kung nakakainom ng sobra yan si Damien." Sabi ni Enzo "Mabuti pa ihatid na natin yan sa dorm namin."

"Hindi, dito nalang kayo. Ako na bahala sa kanya." At lumabas na ko ng club, karga ko sa Damien.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RED note: DAAAAAAAMN!!!! nkapgupdate din sa wakas. so ung song na nakakabit eh para masaya ang mood ng chapter. well nahimatay nga lang main character natin. kayo nalang mag-imagine kung ano nagaganap sa loob ng club.:) more to come. LOVE YOU GUYS :)

REDmasquerade

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now