11: Note To Self

1.9K 18 5
                                    

Damien's POV

So now papunta ako sa field, dun daw kami magkita sabi ni Benjo. Di ko maintindihan kung bakit kelan gabi na saka niya ko yayayain. Baka siguro kampante na siya sakin. So patuloy parin ang aking paglakad until nakita ko si Benjo. Nakaupo siya sa isang park bench at tila parang tulala sa langit. It's a clear sky anyway, ganda tignan at maliwanag ang mga bituin. Binagalan ko lakad ko para malaman kung nagiisip talaga ito. Pero hindi eh, halos mga 20 feet from him nakita niya na ko eh. Kinompose niya sarili niya at lumapit siya sakin.

"Hi, sorry for bothering you pero kelangan ko lng ng kausap." Oh stop it you. Gusto naman talaga kitang samahan eh

"Hindi, okay lang. Parang may iniisip ka ata ah?" Binitaw ko na gusto kong itanong. Sana bigyan niya ko ng sagot.

"Oo nga eh, marami lang talaga gumagambala sa isip ko. Tara, para hindi tayo magtagal dito at makauwi ng maaga." Sa totoo lang, okay lang na late ako umuwi basta ikaw. Landi.

"So anu meron at tinext mo ko? May problema ba? Sa itsura mo pa lang meron eh."

"You got me there, wait lang. May iniisip pa ko."

So there we walked in awkward silence, at ang bagal ng lakad namin. Naawa ako sa itsura niya ngayon. Parang wala siyang tulog. So patuloy parin ang aming paglalakad until nagsalita na si Benjo.

"Ever felt na may gusto ka sa isang tao pero wala kang magawa dahil baka mamaya mapahiya ka lang?" Basic question

"Lahat naman ata nang tao nadaan dyan. Bakit? Same situation?"

"Oo eh, but here's the twist. Alam mo na may kaagaw ka at alam mo rin na may gustong pilitin ang sarili nila sayo."

"So in other words, may stalker ka?" Okay, this is just starting to hurt a bit. Pero malay mo.

"Yeah, but it's not your ordinary teenage drama. Dude, there's more than what meets the eye."

"So ngayon ikaw na best actor?" Natanga ako sa sinabi ko. Pero buti nalang natawa siya.

"Gago, seryoso to!" Pangiti niyang sinabi sakin "Thanks, I needed that."

"Tandaan, minsan dapat lang talaga idaan sa tawa ang problema."

"Opo boss, tatandaan ko po" Nakakaadik na ngiti.

More walking, di ko na talaga alam kung ano gagawin ko sa mokong na to. Mixed signals ba ang binibigay. Pero okay lang, ayaw ko pang mag-commit ule at magpadalos-dalos sa mga nararamdaman ko. Once is enough diba? Pero sabi nga nila heartbreak is a part of life, we just have to accept that.

"Since nagopen ka sakin, magoopen din ako sayo." Fair trade, ganyan ang tunay na lalaki.

"So ano meron sayo? Same situation as mine?" Ingat nalang ako sa sasabihin ko.

"Not really, first let's sit down here."

So tinuro ko yung patch of grass sa tabi. Umikot lang naman kami sa buong field. Nang makaupo na kami sa damo. Awkward silence. After a minute kinalabit niya ko pero hindi ko siya pinansin. Ayaw ko kasi munang sabihin agad kung ano gusto ko sabihin. Feeling ko lalo lang ako maiinis sa sarili ko. So isa nalang gagawin kong paraan para ipaalam sa kanya na hindi ako magagalit sa sarili ko. Habang nag-iisip ako bigla nalang may dumagan sakin.

"Huy! Ano na!?" Uhhh, kuya? Kelagan ako daganan? Kelangan malapit sa mukha ko mukha mo? Wait....what?

Napatingin nalang ako sa mukha niya. Ang lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa. Napatingin ako sa kanyang maamong mukha na parang walang masama. Ang amo ng kanyang mga mata. parang lahat ng mga problema ko nawala at parang kinukuryente ako sa magandang paraan. Napatingin rin ako sa kanyang labi. Mga labi niyang sobrang lapit sa akin. HINDI MAAARI!!!

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now