17: First Impression

1.3K 12 0
                                    

Damien's POV

"Kaw nanaman!" Ugh, sa lahat ba naman ng pwedeng puntahan makikita ko nanaman tong gago na to. Bakit parang sinusundan ako ng kamalasan ngayong araw na to?

"You know its rude to shout at people, especially in public, you wouldn't want to make a scene dito right?" I know smartass

"Eh ano naman!? Kapal naman ng mukha mo para sabihan mo ko ng ganyan pagkatapos mong ganunin ako!"

"Ugh, where are your manners boy? Di ka ba nahihiya?" Grr, kapanginit ng ulo tong gagong to.

"...Fine. You win Kyle." Oo nga naman, where are my manners, at sabi ko pang napakacorteous kong tao.

"So pano ka napapadpad dito? Actually, I've been seeing you a lot lately dito since college life started, perhaps you like the veiw like I do?" Hay nako, paenglish-english pa, buti nalang sanay na ko.

"Isn't it rude to ask questions in which you know the answer and EXTREMELY rude to ask really deep questions to people you barely know?" Oha, kala mo wala akong masasabi sayo, well tough luck nigga, perks of being a bookworm.

"Ah yes yes, siguro nga we should reform our introductions, as you know ako nga si Kyle Alexander Chapman Bando, middle yung Chapman, wag na Alexander kasi masyadong British or something, nakakairita, 17 years of age, birthday will be announced when the time is right, Economics student, much to my chagrin, I always wanted to be a chemist but it seems fate wouldn't permit me so I'll see where it goes, so how about you?"

"Damien Naoya Valerio Cruz, middle ang Valerio, call me Ien, Dan, o Naoya, okay lang kahit anong gusto mo, 17 din, Vet Med student pero alam naman natin mga courses natin pareho since nung 1st sem pa, aspiring human doctor turned animal doctor, wala naman nagbago, doktor parin pero hayop nga lang, at least nasa bucket list pa rin. Pleased to make your fucking acquaintance, again." Bigyan yan ng masamang tingin, hahaha.

"Whoah there big boy, no need to swear, well...I mean kung galit ka parin dahil kanina sorry talaga, di natin sinasadyang pareho pero nadala lang tayo sa init ng panahon at sa galit. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina para mapatawad mo ko. Friends?" Aba, ngayon nawalan ng sungay? Ibang klase tong tarantado na to, muntik na ko mauntog talaga sa kalsada.

"Yeah, pwede, pero halos muntik na ko mabagok sa kalsada at nainsulto pa ko? I think not mister, humanap ka ng makakausap mo tungkol dyan." Eh totoo naman sinasabi ko eh, ikaw kaya halos mamatay or something?

"Nagsosorry na nga yung tao di mo pa matanggap, eto naman, lighten up! Nangyari na, no sense in dwelling on the past." Malapit na kong mainis dito,

"Eh kung sapakin kita ngayon, tas sabihin ko yang sinabi mo kanina, anong gagawin mo?"

"...Point taken, pero cool ka lang, ako na nga tong nanghihingi ng paumanhin, oh well, I won't push you." Tumingin siya sa malayo, dun ko talagang nakita ang itsura niya, okay naman, may tindig, maayos katawan niya, matipuno, pero ewan, ang gulo talaga ng ugali niya. Di ko naman siya gaano kilala para husgahan ko, pero we tend to go with our first impression diba? At least may pinanghahawakan tayo na idea para alam natin kung pano tayo makikipagsocialize.

Tinigilan ko ang pagtingin sa kanya at sinaksak ko uli ang aking earphones, since nakalimutan ko ipause yung kanta kanina, hinayaan ko nalang na yun ang lumabas sa aking earphones. Mga ilang saglit lang napagisipan kong sabayan ang kanta, pero kasing lakas lang ng bulong ang pagkanta ko.

Falling over, and over again

From all the words that you have said

It's written on my heart for everyone to see

From the place I was, to the place I am, to the place I want to be

For the mountains I've been climbing over and under and over

So tell me how does it feel

How does it feel to be like you?

I think your mouth should be quiet

Cause it never tells the truth,

So tell me, so tell me why,

Why does it have to be this way?

Why can't things ever change?

 Kinalabit nalang ako bigla ni Kyle

"Ano yang kinakanta mo? Parang alam ko yan." Tanong niya sakin

"With Ears To See and Eyes to Hear." Napaisip siya ng onti

"Ay, di ko alam pala, parinig naman ako."

Binigay ko sa kanya yung isang parte ng earphones, nilabas ko ang aking phone para ulitin ang kanta, pagkatapos matapos nung kanta ay binigay niya sakin uli ang isang kabaak ng earphone ko.

"Ayos ah, akala ko babae nakanta pero lalaki pala, nahalata ko lang nung huli na, may pinagdadaanan ka ba?" Hala, agad agad?

"Wala a, pano mo naman nasabing may pinagdadaanan ako?"

"Wala lang, kutob lang." Sa totoo lang, meron naman talaga eh, kasama na siya dun sa pinagdadaanan ko, confusing guys as fuck. Kairita.

Mga ilang saglit ay nanahimik nanaman kaming dalawa, nakatingin kung saan mang mapadpad ang aming mga mata sa lawak ng tubig na nasa harapan namin, mayamaya'y biglaang kumulog at dumilim, huli na naming naisip na umuulan na pala, at wala akong dalang payong. Napatayo nalang kaming bigla't tumakbo kung saan man, pero nagulat ako nung hinablot niya.

"Alam kong wala kang payong, tara, malapit lang bahay ko dito, dali na, bago pa tayo sipunin!" Aba, nabawi tong sira ulo na to. Wala rin naman akong choice, ayaw ko magkasakit on a weekday, baka masira perfect attendance ko.

-------------------------------------------------------------------

Oh YEAH, SURPRISE UPDATE!

Anyway, di ko na alam kung anong gagawin ko sa story kong ito, so bahala nalang kung anong kalalabasan nito, buti nalang nagkakaroon pa ko ng ideas.

Tulong naman kayo minsan sa pag-isip ng plot, ang hirap kaya mag-isa. :))

Anyway, keep on reading, and thanks for that. :D

Love,

Stephano

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now