8: Obsessed

2.4K 20 6
                                    

Benjo's POV

Badtrip talaga, naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganun naramdaman ko nung niyakap ni Aegina si Damien. Di ko rin alam kung bakit ko siya iniisip. Talaga lang, ang gulo ng buhay nung makilala ko siya. Anu kaya tong nangyayari sakin? Di naman ako bading o kung anu man. Pero sa kanya ko lang nararamdaman to. Nako, confused na talaga ako. Pano na to. At sa sobrang isip ko habang naglalakad may nadali ako.

"Ah shit! Sorry!" Babae pala, akala ko poste na ng ilaw nabangga ko.

"Ay sorry din! May kausap ako sa CP ko eh, ok lang po kayo?" Tanong niya sakin

"Wait, parang pamilyar sakin mukha mo." In truth, yes, madalas ko siya makita sa isang sulok, kahit saan ako magpunta. Parang palagi niya ko pinagmamasdan. Lahat nang galaw ko ata alam na nito eh. Shit, baka naman alam niya din na natulog ako kina Damien!? Nako, sana naman hindi.

"Ahhh ganun ba? Sorry, baka napagkamalan mo lang ako." Sinungaling, talaga ngang siya yun eh. Di ko na pinatagal ang aming usapan. Nagsorry ulit ako at tumuloy na nang lakad. Ngayon may isa pa kong problema. Ang potential stalker na yun. Ramdam ko na hindi titigil yun hanggang walang mangyayari. Ngayon alam ko na gagawin. I'll play her game. Tignan natin kung kanino talaga ako mapupunta. Isa man masaktan, wala na kong kasalanan dun. Pero, sana kay Damien nalang kasi mas kilala ko siya ng husto. Pero sana, tama rin hinala ko. Adam at Damien, ano kaya namagitan sa kanila noon? Di bale, malalaman ko rin ang katotohanan.

Leica's POV

Akin, akin lang siya, wala nang iba. Matagal ko nang pinagmamasdan si Benjo. Oo, alam ko pangalan niya. Alam ko rin kung saan siya nakatira at alam ko rin kung saan siya madalas pumunta. Alam ko rin ang schedule niya pati Student Number pa. Di ako titigil hanggang hindi ko nakukuha kung ano ang akin. Kahit sabihin pa nilang hindi possibleng mangyari ito. Handa ko ibigay lahat.

Damien's POV

Pushover. Yan talaga masasabi ko kay Aegina. Pero wala akong magagawa, siya lang naman nakakaintindi sakin aside from my parents pero wala nga sila dito eh. So naglalakad kami papuntang anywhere para kumain. Mga ilang saglit lang eh nakita ko nanaman ang isang tao na nasa shitlist ko. Damn, pero hot nya but that doesn't change the fact that he's a manwhore. Kyle Bando. Weird ng surname I know pero ganun siya pinanganak eh. Fudge, yan nanaman yang tingin na yan. Kinikilabutan talaga ako kung nakikita ko yun eh. Parang rapist na tingin, eeeewww. Anyways tumuloy lang kami ni Aegina sa ChowKing para kumain nang usual order namin, anything involving noodles. So humanap lang ako ng upuan at si Aegina na nagorder. Ganyan talaga, ako nakaupo tas siya nagoorder. Habang hinihintay ko si Aegina biglang nagvibrate phone ko.

DAMN backache!!!ansakit ng likod ko....errrrrr...kainis...oh well, worth it nman ung effort

 

good afternoon guys, have a nice day ;)

Ay, GM lang pala ni Benjo. katuwa si mokong.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
REDnote:

Okay stop muna ako dito. Sorry now lng ako nagupdate. Busy ako at sasali ng org sa college nmin pero sorry tlga. Busy lng po, anyways...so what you guys think? Leave a comment below or just add it to your readings :) highly appreciated :3

Red

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now