3: The Past

4.2K 32 7
                                    

Damien's POV

Having said that I can still remember what happened nung first semester. Nagkita kami ni Adam Sanchez nung nagpainterview kami kasi sa kasamaang palad eh short listed kami. So kelangan namin mag-undergo sa interview. Praise God at nakapasa kami pareho pero I didn't knew na magiging kami. We had fun nung first sem kahit masyado kaming busy dahil nag-aadjust pa kami sa college life. Di ba sinabi nga nila na minsan ang isang relasion ay nagsisimula sa biruan? Well ganun nangyari samin. Well oo nga ngaing kami nung first few weeks ng first sem pero eto nangyari. Nang ginabi kami galing sa block dinner namin hinatid muna namin yung mga girls sa Men's Dorm. Oo alam ko Men's Dorm yun pero pwede rin ang mga babae dun. May sarili silang building so yung main building dun sa Men's Dorm ay para sa lalaki talaga. Now on to the story, edi kami nalang natira nila Jane, Miggy, Adam, at ako na naglalakad pauwi. So syempre kadikit ko nun si Adam, so kinausap ko siya.

"Adam, nagenjoy ka ba kanina?

"Oo, naman syempre, kumpleto tayo at isa pa." Lumapit siya sa tenga ko "Kasama kita, kaya mas masaya ang gabi." Major blush ako nung time na yun.

"Wow, ok, so pwede bang ihatid kita sa dorm mo?"

"Wag na, gabi na eh."

"I insist! Dapat lang ihatid kita kasi...you know." Pilit ko sakanya

"Sabi wag na, wag makulit." Pilit niya rin sakin

"Okay fine, sige good night nalang."

After that dumeretso na ako ng uwi, mejo masama ang loob ko sakanya kasi may gusto lang ako gawin na mabuti para sakanya. Pero simula nun, di na nya ako nirereplayan. Ayaw niya sagutin ang mga tawag ko. Ayaw niya rin ako kausapin sa FB much less mag GM lang ng pagbati. I waited a week bago ako gumawa ng paraan. Kinausap ko siya nung nakita ko siya nag-iisa.

"Adam, kamusta?" Bati ko sakanya pero tinignan nya ko ng masama

"Lumayo ka nga! Sinisira mo araw ko!" Aba, nagalit ang gago

"Ano ginawa ko sayo?!"

"Wala lang, nakakairita ka lang!"

"Eh kung ganun edi sana di nalang kita nakilala! Gago ka pala eh! Alam mo? Nung una pa lang eh wala akong tiwala sayo! Akala ko ikaw na yung hinahanap ko, yun pala, gagaguhin mo lang ako!" Nagwalk-out ako kasi namumugto na ang aking mga mata. Akala ko pa naman nun perfect realtionship na kami. Masama first impression ko sakanya pero pinabayaan ko yun pero sabi nga ng ibang tao, first impressions always lasts. Ever since nagbreak-up kami ni Adam parang walang nangyari eh, para bang extra lang siya sa buhay ko, ni minsan di ko na siya naisip nun pero talagang di ko makakalimutan yung ginawa niya sakin, oo nung una umiyak nga ako, pero ever since then parang wala lang. Medyo nakakapanghinayang din matapos ang relasyon namin. Iba kasi siya sa mga tao na nakilala ko much less naging karelasion ko dati, pero walang wala talaga. So I decided to give up on him.

Balik tayo sa present time. Pabalik na kami ni Renzo sa appartment namin ng may bigla siyang tinanong sakin.

"Sigurado ka ba na handa kang umibig muli?"

"Hindi ko alam, pero sinasabi ng puso ko na oo. Pero siguro nga tama ka, sa tono palang ng tanong mo pakiramdam ko wala kang tiwala eh." Totoo yun, di pa kong handa umibig muli after nakipagbreak ako kay Adam. Pero mahirap na, sa gulang kong ito, siguro marami na rin magsasabi na eto ang panahon na mararamdaman mo ang ibig sabihin ng "magulo".

"Sige, ikaw naman yan eh, hindi ako. Basta ingatan mo nalang sarili mo't wag nang umasa uli kung kanino man, malay mo, magkaroon ka nanaman ng repeat performance, ang hirap isipin nun diba? Teka maghanda na tayo at igagala natin si Benjo diba?" Ay oo nga pala! Napansin ko na kakaiba ang amoy ko kaya binilisan ko ang pag-ligo kasi maliligo daw din si Enzo, sinabihan ko na siya sumabay pero ayaw niya. Halakhak ako nung makita ko reaksyon niya. Nakakatawa talaga siya pag napagtritripan ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yay! Bagong upload uli! Unfair kasi kay pareng PalaBoy dahil nag-upload siya ng bagong chapter sa story niya. Recommend ko na basahin niyo stories niya kasi mapapahiyaw kayo sa sobrang kilig at sa ganda nang stories nya.

BTW, song at the side. Bagay to sa mga PI na mga ex kung meron man kayong ganun! Hahaha!

-RED

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now