16: Shit!

1.6K 6 1
                                    

Damien's POV

Whew, akala ko di ako tatantanan nung girl na yun, medyo kinilabutan ako nung napaisip ako na may kinausap akong stranger, pero at least walang nangyaring masama. Medyo mahirap na sa panahon ngayon, mahirap nang magtiwala sa mga taong nakakasagapa mo kahit saan, malay mo, may kailangan pala sayo na ikapapahamak mo pa, dami nang balitang ganun. Tinuloy ko ang paglalakad paalis sa Anest Towers nang makaabot ako sa Doctor's Hospital ay may nagtext sakin, kinuha ko phone ko sa bulsa ko nang biglang...

Kyle's POV

Argh, tang ina! Ang tanga namin! Buisit na cellphone to napahamak pa ko! Bat ko pa kasi tinignan habang naglalakad eh this is a busy street? Ang laki kong tanga, nako! Sino kaya tong malas na nabangga ko ngayon? NAKO, NATAPON YUNG SPAGHETTI KO! Sheesh, nagayos muna ako sa aking pagkakatumba at tinulungan ko yung nabangga ko pero napatigil ako nung nakita ko kung sino nabangga ko.

"Sana nilakasan mo pa yung pagkabangga mo sakin, ang lapit ng ospital o, sa tapat lang." Sagot niya sakin habang tumatayo.

"Pwede naman kita iuntog uli kung gusto mo, ako na sasagot sa hospital bill mo." 

"Not if I stab you first, whatever bitch, next time, watch where you are going." Tas biglang walk out.

"Look dude, I'm sorry about that!" Sigaw ko sa kanya habang papalayo. Ang tanging sagot niya ay ang kanyang nakataas na kamay giving me the "finger".

Cute.

Damien's POV 

Buisit talaga yun si Kyle, siya na nga tong nakadali siya pa tong mangiinsulto ugh, badtrip! Sumakay nalang ako ng jeep papuntang Bayan para mawala ang galit ko, sabi ko nga diba positive thoughts dapat, so ayun, dun lang ako nakakapagunwind dahil sa ganda ng bay. Habang nasa biyahe ang jeep binasa ko ang text na nagpahamak sakin.

hello

Si Benjo, tang ina this. Kung sino pa least expected na magtetext sayo nang ganung oras.

bkit? 

wala lang, nu gawa mo ngayon?

ppnta akng Bayan

nu gagawin mo dun? pwede sumama? :D de joke lang

none of your bussiness I assure you

rude, sige yun lang nangungulit lang.

geh

And with that, natapos ang usapan namin. Medyo weird, yung moment na kinukulit ka ng crush mo. Parang ewan lang, pero sana di naging joke yung sasama siya talaga sakin papunta dun kasama ko. Oh well, libre mangarap.

Ahh, the sound of the waves crashing on the old pier, iba talaga ang view dito. Sarap lang talagang tumambay. Napaisip lang ako na tama ba tong ginagawa ko sa pag-asa kay Benjo, pwede naman din kasing super open-minded niya lang na okay lang sa kanya yung ganun. Tas dumagdag pa yung babae kanina sa shop, ano kaya ibig sabihin niya nung sinabi niyang magkikita kami uli? May masamang kutob lang talaga ako dun sa babaeng yun, para bang may underlying motive sa mga gawain niya. SPeaking of underlying motive, eto pa si Kyle, parang may nasesense ako na hindi tama sa lahat ng ginagawa niya, para bang lahat ng ginagawa niya ay para lang mainis ako, siguro alam niyang may gusto ako sa kanya? Pero hindi eh, mas naiinis na ko ngayon. I have to admit na type ko siya, pero grabe, ang jerk niya lang.

Kinuha ko ang phone ko at nilagay ang earphones sa tenga ko. After a few minutes may naramdaman akong tumabi sakin. Di ko muna pinansin dahil nakayakap ako sa bag ko so safe ang gamit ko, nang napansin ko na di pa umaalis itong katabi ko eh tumingin ako para malaman kung sino to.

Shit!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Ooops, out of mental ink! :))

Update na rin sa wakas, so what you think so far? I'm starting to have my doubts about this.

Oh well, might as well finish this till the end,

Love,

Stephano

Don't Forget To Breathe (Tagalog BoyxBoy)Where stories live. Discover now