Epilogue

153 5 0
                                    

Pilit ko siyang nginitian pabalik. Siya ang ikakasal sa'kin? May pumatak na isang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ang bestfriend ko mismo ikakasal sa'kin? Pero mas okay na 'yon di ba kaysa ibang lalakeng hindi ko kilala ang ipakasal sa'kin? Agad akong yumuko at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo nabibigatan ako sa gown ko dahil medyo mahaba ito at palobo. Ang ganda ng puting gown ko. Si Milky ang nag-sponsor na bumili ng gown. Bayad niya daw sa panlilibre ko sa kanya.

"Fee, gusto ko sanang magmahalan kayo at bigyan niyo ko ng maraming apo", sambit ni dad bigla habang naglalakad kami.

"Di pa nga kami kasal, dad. Apo agad?", pilit ngiti kong saad.

"Sorry nga pala sa mga nagawa ko sayo dati, Fee ah. Pinagsisisihan ko talaga ang mga 'yon", sabi ni dad sa'kin.

"Ayos na 'yon, dad", sabi ko.

Huminto si dad at doon ko na muling inangat ang ulo ko. Tinignan ko si Chester na nasa baba ng altar na nakangiting nakatingin sa'kin.

"Chester", mahina kong sambit sa pangalan niya.

"You look beautiful, Fee", sabi nito sa'kin.

Nginitian ko siya.

"Oy! Ano 'yan?! Ba't siya tinitignan mo kanina pa? Ako ang groom ah. Di pa tayo kasal nagtataksil ka na"

Napatingin ako sa biglang nagsalita. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko si Dae na nasa gilid ng altar at naka-krus ang mga braso. Nakangiti itong tinitignan ako.

"D-Dae", tawag ko sa kanya at agad na tinakbo ang pagitan namin upang yakapin siya.

"My Fee, I miss you", sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Tumulo na ang tuluyan ang mga luha ko.

"Nanaginip lang ba ako? Pakigising ako, please", sabi ko.

"Grabe ka, Fee. Ayaw mo ba akong maging groom kaya nagpapagising ka? Hahaha joke lang", natatawang sambit niya.

Lumayo ako at tinignan siya sa mata.

"Anong nangyari? Paano? Akala ko si Chester ang groom ko. Siya ang una kong nakita", natatawang kong sabi habang naluluha-luha pa.

Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal kaming dalawa ni Dae. Sobrang saya ko.

"Ay wow, natabunan ni Chester ang kagwapuhan ko kaya siya ang unang na-notice", natatawa kong sabi.

"Ehem, pwedeng tapusin muna natin ang seremonyas", biglang singit ni dad.

Tinignan ko si dad at agad na niyakap.

"Thank you, dad", sabi ko.

"Para sayo, Fee", sabi niya.

Muli akong humarap kay Dae na inaabot ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papalapit sa altar kung saan nandoon ang pari.

Tila di ko na alam ang nangyayari. Basta kapag tinanong ako ay 'I do' na lang ang sinasabi ko.

"Uy 'yung vow mo na", natatawang sabi ni Dae.

"Huh?", tanong ko.

"Don't tell me di mo narinig ang vow ko? Nakasuot na sayo 'yung singsing oh", sabi ni Dae sabay tingin sa kamay ko. Nakasuot na nga ang singsing. Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ito ng malapitan. Ang ganda. Color rose gold siya at nakahulmang katulad ng unang singsing na ginamit niya pang propose sa akin sa Baguio. May maliit na bulaklak sa gitna at may maliit diamond ang gitna ng bulaklak, parang tangkay ang paligid nito.

"Ang ganda", puri ko sa singsing.

"Oy! 'Yung vow mo sa'kin at tsaka isuot muna 'yun", sambit ni Dae sa'kin habang naka-pout pa sa singsing.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Where stories live. Discover now