Chapter 51

109 3 0
                                    

"Huhuhu, andaya talaga!", paghihimutok ni Milky habang ngumunguya ng burger.

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon. Ang nangyari kasi kanina, umayos kami ng pila kaso malapit na kami sa stand na nagbibigay ng burger. Ako ang una, sunod si Cho at huli si Milky kasi binabantayan pa niya ng tingin 'yung mga umalis na babae. Baka daw kasi bumalik na naman. Binigyan na ako ng burger at pang-99 iyon. Nakasulat sa may balot at next ang kay Cho ay 100 kaya wala si Milky. Napilitan na lang siyang bumili para may burger din siya.

"Karma is a bitch, Milky", natatawang sabi ni Cho sa kanya.

"Che!", singhal sa kanya ni Milky.

Nakikitawa na lang ako.

"Ito na nga. Lilibre ko na lang kayo ng drinks para tumigil na sa kaka-atungal ang prinsesa ng libre", sabi ko.

"Reyna na kamo!", pang-aasar pa sa kanya lalo.

"Ano sa inyo? Soda sa'kin", tanong ko.

"Soda na rin sa'kin", sagot ni Cho.

"Same huhuhu", sagot ni Milky.

Tumayo na ako at agad na pumila. Mabilis lang ang daloy dahil konti na ang tao. Hindi tulad kanina na may libreng burger pa.

"3 sodas, please. Take out", sabi ko sa cashier.

Agad ko iyong binayaran pagkabigay ng soda. Muli akong bumalik sa upuan namin at hindi na umaatungal si Milky dahil nalibre na siya.

"Ito na-"

Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil tumunog na ang phone ko. Ibinaba ko ang inumin at kinuha ang phone ko. Si Chester, tumatawag. Sinagot ko ito agad.

"Hello?", sambit ko. "Saglit lang, girls ah", sabi ko kina Cho at Milky sabay tayo muli.

Lumabas ako ng restaurant para humanap ng maayos na reception.

"Hello?"

-Fee?-

"Bakit Chester?"

-Ahm...iimbitahin sana kita sa birthday ko. Doon din i-aannounce na ako ang magiging bagong CEO ng kompanya niya. Gusto kong magcelebrate kasama ka. Well, kung okay lang sayo..-

Napangiti ako. Malapit na pala birthday niya sa susunod na linggo. Akala ko, nakalimutan na ako ni Chester. Isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan at miss ko na rin 'yung kapatid niyang si Vin.

"Sige, pero saan?", tanong ko.

-Dito sa Pilipinas-

Napaangat ako ng tingin sa gulat. Sa Pilipinas???

-Hello, Fee?-

"H-Hello, Chester. Saan nga ulit?", tanong ko.

-Dito sa Pinas, sa may mansyon namin dati. Pinaayos na kasi iyon ni dad at sobrang ganda doon ngayon. Gusto ko sanang makita mo. Pinaalam na kita sa dad mo at dadalo din ang kuya mo. Tanungin na lang daw kita. Lahat ng business partners din ni dad, dadalo. Please, sama ka na din, Fee. Gusto kong ikaw ang first dance ko-

"S-Sige"

-Yey, thanks Fee! I owe you much! See you here, bestfriend. Kahit wala ka ng dalhing regalo, ikaw lang sapat na haha. Bye, baka tumutol ka pa kapag dumaldal pa ko sayo. Bye bye!-

"Bye, bestfriend", sagot ko at pinutol ko na ang linya.

Halata sa boses ni Chester na masaya siya. Masaya din naman ako para sa kanya pero may kaba at kirot sa puso ko dahil babalik ulit ako sa Pilipinas. Bukod pa doon, baka magkita kami ni Dae sa party niya dahil ka-business partner ng dad niya ang mga Rivera.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Where stories live. Discover now