Chapter 42

134 3 0
                                    


MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 42

Napatayo na kaming lahat. Pinagmasdan ko ulit ang unang palapag at malinis na ito. Medyo malaki na ang espasyo dahil sa mga isinantabing gamit na nasira.

"Pwede na tayong bumaba. Mahina na sila para makapanakit pa" anunsyo ni kuya Eloy.

Nagsimula na silang magbabaan at tila napako ako sa kinatatayuan ako. Nanghihina pa rin ang tuhod ko tulad kanina.

"F-Fee? Are you alright?"

Napabaling ako kay Dae at tinanguan na lang siya. Halatang pilit niya akong nginitian at nag-aalala pa rin siya sa'kin. Inalalayan niya akong maglakad papunta sa hagdan.

Nang makababa kaming lahat ay agad akong napaupo sa sofa at tinignan 'yung paring nakatayo sa may gilid ng pinto. Naramdaman kong tinabihan ako ni Dae at mahigpit akong hinawakan sa kamay. Di ko siya mahawakan pabalik dahil tila ubos ma ubos ang enerhiya ko sa katawan. Napabaling ulit ako sa pari at may kung anong bigla akong nainis sa presensya nito. Mukhang pagod na pagod ito dahil sa paglilinis na ginawa.

"Di mo naman kailangang maglinis ng ganito, Chris" naaasiwang sambit ni kuya Eloy kay father.

"Ito naman. It was my hobby" sagot nito kay kuya Eloy at saka bumaling sa aming dalawa ni Dae. "Wazzup! Wazzup!" bati nito na parang mag-tropa kami.

"Yow" pakikisakay naman ni Dae sa kanya kaya sinamaan ko ito ng tingin at nginitian lang niya ako.

"Oh?? Sheena ganda! Nandito ka din pala?" namamangha nitong tanong.

"Ako ang tumawag sayo di ba?" naaasar na tanong ni Sheena sa kanya.

"Sorry, I forgot" tipid nitong sagot sabay baling kay Dae. "Girlfriend mo, pre?" tanong ni father kay Dae habang nakaturo sa'kin.

"Oo" diretsong sagot niya.

"Bakit?" tanong nito.

Anong bakit? Hindi ba ako pwedeng maging girlfriend ni Dae? Teka, ano bang naiisip ko? Anong meron sa paring 'yan at nawawalan ako galang sa kanya?! Aish!

"What?" iritang tanong ni Dae sa kanya.

"Bakit mo kako siya naging girlfriend?" paglilinaw ni father sa tanong niya.

"Hindi ba pwede? Mahal po namin ang isa't-isa, father" pabalang na sagot ko.

"Talaga? Napapansin niya bang ang masama ng awra mo?" seryoso nitong tanong sa'kin dahilan para matigilan ako.

"Chris, mabait 'yan si Fee. Baka gutom lang kami. Asan nga pala 'yung pagkaing pinapadala namin?" tanong ni kuya Eloy sa kanya.

"Taray ah! Pari slash exorcist slash delivery boy! Ayun oh nasa likod ng pinto"

Agad namang tinungo ni kuya Eloy iyon at isinara na din nito ang pinto. Naramdaman kong may nakamasig sa'kin dahilan para mapatingin ako kung saan nanggagaling iyon.

"Exorcist ka na din pala ngayon?" dinig kong tanong ni Sheena kay father.

"Nagpe-perform ka ng exorcism?" tanong ko bigla. Di ko alam ngunit parang kinabahan ako bigla dahil napatingin silang lahat sa akin.

"Oo. Gusto mo subukan ko sayo?" seryosong tanong nito dahilan para kilabutan ako at hindi na makapagsalita.

"Kumain na tayo" tawag sa'min ni kuya Eloy.

Napansin kong tahimik lang si Dae sa tabi ko at mukhang nababalisa siya sa di ko malamang dahilan. Naupo kami sa may dining table. Katabi ko si Dae at sa kabilang panig naman sina Kuya Eloy, Sheena at father Chris.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Where stories live. Discover now