Chapter 14

259 10 1
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 14

"Gumising ka na p-please" My voice broke dahil pinipigilan kong umiyak. He was still unconcious.

"Gusto mong magising siya agad?"

Napatingin ako sa isang babae na papalapit sa'kin. Di ko siya kilala dahil wala siya kanina. May hawak siyang tubig na nasa baso habang papunta sa'kin.

"My name is Realyn. Don't worry, I don't mingle with him. Pinapagising lang siya ni boss sa'kin" saad nito.

"Paano mo siya gigisi-Oh my God!" Napatakip ako ng bunganga ng ibuhos niya kay Jero ang tubig na hawak niya. Agad na napatayo si Jero at sinamaan ng tingin si Realyn.

"Gising ka na, Jeje"

Napalingo ako sa nagsalita, si Micko.

"Jeje?" taka kong tanong.

"Fvck! Ang lamig!" asik ni Jero at agad siyang umalis sa hinihigaan niyang sofa. Sinundan ko lang siya ng tingin at nagulat ako ng tumalon siya sa pool.

"Parang wala lang nangyari" komento ko.

Narinig niya ba ang sinabi ko sa kanya na Baby ghost? Bakit parang hindi siya nagtataka? Ang cute ng name na Jeje. Nickname niya siguro. Try ko minsan tawagin siyang ganoon.

"Fee, tawag ka nina Marriel doon" sabi sa'kin ni Realyn at may tinuro ito. Napatingin ako kung saan banda ang tinuro niya. Sa kaliwang gilid lang pala ng pool.

"Ah sige"

Naglakad ako papunta sa direksyon kung nasaan sina Queen, Yoon, Marriel, Rod, Tricia, Fritzie, Liza, April at Princess Dyan. Ang dami nilang babae at di ko na kilala ang iba.

"Ahm he-hello. My name is Fee" pagpapakilala ko.

"Kilala ka na namin, Fee. Nakakatawa ka naman oh" saad ni Liza sa'kin.

"Ba't di mo sinabi sa'kin na kasama ka sa kanila?" tanong ko kay Liza.

"Fee, matatakot ka lang sa'kin" sagot nito.

"Ahh okay.." sabi ko nalang. Di naman ako sure kung matatakot ako kay Liza kapag nalaman kong gangster siya. Ang bait-bait kasi niya.

"Ang ganda ng boses mo, girl! Pakantahin natin 'yan mamaya!!!" sabi ni Fritzie sa kanila..

"Wag na hehe. Nakakahiya" sambit ko.

"Kumakanta ka Fee? Woaahh" reaksyon ni Queen.

"Hindi naman masyado" sagot ko na lang.

"Ayweeh?? Tara lets swim!!!" bibong sambit ni Dan then nagulat ako sa mga susunod niyang ginagawa. Bigla niya akong hinila patalon ng pool. Oh my!!! Ang taas!!! I mean, ang lalim!!! Napakapit agad ako sa gilid. Nagsitalunan din ang ibang mga babae kasunod namin.

"Huy! Ba't nandyan ka?" tanong ni Dan sa'kin.

"Di ka marunong lumangoy?" tanong ni April.

"M-marunong. Nagulat lang ako ng malalim pala" sabi ko.

Nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko paahon ng pool. Bigla akong napakapit sa kanya. Napatingin sa kung sinong humila sa'kin. Si Jero! He's topless at nararamdaman ko ang abs niya sa sobrang dikit namin.

"J-Jero" kabado kong banggit. Bakit biglang uminit?! Ang lamig ng tubig na hinulugan ko kanina ngunit di ko na 'yun maramdaman.

"Ow, andyan na naman si prince charming. Baka himatayin na naman 'yan" natatawang sambit ni Queen sa kanya.

"May I borrow her?" cold niyang tanong.

"Sure" sagot nilang lahat at sabay-sabay na nagtawanan. Napansin kong nakatingin si Jero sa'kin.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Where stories live. Discover now