Chapter 39

131 3 0
                                    


MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 39

Nagsitakbuhan kaming lahat para i-check ang mga bintana ng bahay. Umakyat sa second floor sina kuya Eloy at Sheena, habang kami nina Dae at Bravo, nanatili sa first floor. Di namin masyadong kabisado ang bahay kaya nahihirapan kami ngayong magcheck.

Napatingin ako sa gilid ko. May bintana pa pero hindi ito masyadong nakasarado. Akmang lalapitan ko na ito para isara nang magsalita si Bravo.

"Delikado, Fee" sambit niya bigla.

Nilingon ko siya at nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa bintana. Si Dae ang mabilis na lumapit sa bintana. Tinignan ko na lang siyang sinasara iyon mabuti.

"Sh!t!" Binilisan niya bigla ang pagsara at dali-daling lumapit sa'min. "Someone touches my hand" takot na sambit ni Dae sa'min.

Napatingin kami kay Bravo. Siya ang multo. Nararamdaman at nakikita niya kung anong meron sa labas.

"Nagmamakaawa sila" bulong nito sa kawalan.

"Sinong sila?" tanong ko.

"'Yung mga kaluluwa sa labas. Gusto nilang pumasok sa bahay" sagot ni Bravo.

"Fee!"

Napaigtad ako sa gulat dahil tawag sa'kin ni kuya Eloy. Nilingon ko siya.

"Alam ko na kung bakit dinala ng babaeng iyon dito si Bravo" saad nito.

"Bakit?" tanong ni Dae.

"Para inggitin ang mga kaluluwang gustong lumaya. Ginamit niya si Bravo kasi alam niyang tutulungan natin siya. Akala ng mga nasa labas, matutulungan natin silang lahat kapag pumasok sila ng bahay" paliwanag niya.

"I'm sorry. Nadamay ko kayo" sabi bigla ni Bravo.

"Okay lang 'yan. Di sila makakapasok sa bahay. Kung makapasok man, wag kang mag-alala dahil nandito naman kami" sabi ko na lang kahit sa totoo niyan, hindi ako sigurado kung hindi sila makakapasok. Pinapalakas ko lang ang loob ni Bravo. Nadamay siya basta dito.

Napangiti si Bravo sa'kin kaya sinuklian ko naman siya ng ngiti.

"Ehem boyfriend here ehem" pag-paparinig ni Dae sa tabi ko. May pa-ehem-ehem pa siya. Daming alam kahit kelan.

"Anong oras na?" biglang tanong ni kuya Eloy.

"Nine o'clock, boss"

"Di pa tayo kumakain" sabi ni kuya Eloy sa'min.

"Di naman tayo pwede lumabas ngayong oras. Mukhang kailangan muna nating magtiis ngayong gabi" sabi ni Dae.

"Matulog na lang tayo?" suhestyon ko.

"Mabuti pa nga" pagsang-ayon ni kuya Eloy.

Sabay-sabay kaming naglakad paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Nandoon kasi ang dalawang kwarto na tutulugan namin. May kanya-kanya naman kaming dalang kandila para sindihan sa may tapat ng bintana. Ganito din ang ginawa namin dati noong nakitulog kami ni Milky at Cho.

Bago kami tuluyang makapasok, tinawag muna kami ni kuya Eloy dahilan para mapalingon kami sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kung may mangyari, nandito lang kami sa kabilang kwarto. Wag niyo kalimutang magdasal bago matulog. Ngayon na lang ulit ako matutulog sa bahay ko at masasabi kong maraming nagbago" saad niya.

Pareho na lang kaming tumango ni Dae at tuluyan ng pumasok sa kwarto.

"Nakakapagod" dinig kong sabi ni Dae sa kawalan.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Where stories live. Discover now