Chapter 29

159 4 0
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 29

"Bakit ba kailangan kasama siya?" iritang tanong na naman ni Jero sa'kin.

Lulan kami ng kotse ngayon at nasa likod si Chester. Gusto niyang sumama para daw sa safety ko. Sinilip ko si Chester sa likuran. Sobrang tamlay niya at hindi sumasagot kapag tinatanong minsan.

"Tss"

Bumaling ulit ako sa daan ng narinig ko ang asik ni Dae. Naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit. Kasalanan ko naman dahil hindi ko sinabi sa kanya. I'm too weak to say it. Wala pa siyang naaalala noon at natatakot ako na baka isipin niyang baliw ako.

Napansin kong huminto na ang kotse. Nandito na naman kami sa hospital. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Naramdaman kong lumabas na ang dalawa sa kotse pero nanatili akong nakaupo.

Nakita kong binuksan ni Chester ang pinto sa gilid ko at umiling. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil hindi ko nakuha ang nais niyang sabihin. Tinignan ko ang likuran niya at nakita kong naglalakad na papasok si Dae.

Bumaba ako ng kotse at naglakad na din papasok. Sana walang nangyaring masama kay Micko. Di ko talaga kakayanin. Alam kong ako ang may kasalanan dahil hindi ko napigilan ang mangyayari kahit alam kong magaganap iyon.

"Miss, saan ang kwarto ni Micko Lee Rivera?" dinig kong tanong Jero sa isang nurse.

"Ahh sir...isa po siya sa mga nasawi sa aksidente. Nasa morgue po ang mga nasawi, isa lang po ang nakaligtas sa kanila"

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

No...

Micko is dead...

At wala man lang akong nagawa...

Tumulo agad ang mga luha ko. Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Jero na nanlulumo. Agad siyang tumakbo papunta sa lugar kung saan nandoon ang morgue ng hospital. Susundan ko na dapat siya ng bigla akong pinigilan ni Chester.

"I know, you want to follow him pero wag ngayon. Alam kong nakakakita ka ng di namin nakikita, Fee. Morgue is a dangerous place for you. Besides, baka ikaw lang ang pagbuntungan ng hinanakit ni Jero. Puntahan na lang natin 'yung nakaligtas sa kanila" saad nito.

Tumango na lang ako. Si Chester na ang kumausap sa nurse at sinundan ko na lang siya ng magsimula siyang maglakad.

I can't stop crying. Naging kaibigan ko na si Micko. Isa siyang mahalagang tao para sa lahat. Nag-iisang anak ng mga Rivera, ang leader ng gang at isang matalino at mabuting estudyante sa paaralan.

Nakarating kami sa isang kwarto at pinagbuksan ako ng pinto ni Chester. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang babaeng pamilyar ang mukha na nakatulala sa kisame.

"Fritzie?" tanong ko. Siya ang girlfriend ni Micko. Kasama siya sa aksidente? She looks so devastated. Lumapit ako sa kanya at napalingon siya sa'kin. Malalim siguro ang iniisip niya kaya di na niya ako narinig. I dried my tears dahil may mas karapat-dapat umiyak kaysa sa'kin, si Fritzie.

"F-Fee?" tanong niya.

Namalabis agad ang luha niya at agad siyang bumangon para yakapin ako. Mukhang naubos na ang mga luha niya kanina kaya hindi na siya makaiyak pa. I felt pity on her but on other side, she's brave. Lumayo siya at napayuko.

"Everything will be alright. Ano ba ang nangyari?" tanong ko na lang.

Nanlaki ang mga mata niya na parang biglang natakot sa kung ano. This is bad...I think, its about that black girl, Nichole.

"Nasa school ako ng bigla akong sinundo ni Micko..."

*Flashback*

Fritzie's PoV

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα