Chapter 20

183 7 0
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 20

Nagulat ako ng napatingin si Fee sa'kin pero umiwas agad siya ng tingin.

Bakit ko ba 'yun nasabi?

"Bingo!" Nakita kong nahanap na ng lalake ang phone niya. "Oops! End call na siya" natatawang sabi nito sa harapan namin ng makitang patay na ang tawag.

Huminga ito ng malalim at bumaling kay Fee ng hindi lumilingon sa'kin.

"Fee, mag-usap tayo. Tayo lang. Siya doon muna sa waiting area" sabi nito kay Fee.

Agad akong umabante at tinignan ang lalakeng nag ngangalang Eloy.

"Anong pag-uusapan niyo?" tanong ko.

Nagdilim ang paningin nito at kita ko ang pagtatangis-bagang nito. May ginawa ba akong

"Lumayo-layo ka sa'kin. Baka masuntok kita" banta sa'kin nito.

Napaatras agad ako. Nakakatakot siya. Parang masama ang loob niya sa'kin na mas lalo kong ikinataka.

"Look. Sorry kung itinaboy ko kayo sa hospital-" putol kong sambit dahil inunahan na niya ako.

"Wag kang magsorry. Hindi sapat ang sorry mo-"

"Kuya Eloy, tara na" sabi sa kanya ni Fee sabay baling sa'kin. "Upo ka muna sa waiting area and please..." Nakita kong dali-dali niyang hinubad ang isa niyang bracelet at isinuot sa'kin iyon. Napangiti ako. "Kapag may nangyaring kakaiba o naranasan ka habang wala ako at naputol ang bracelet ko. Jero...tawagan mo ako ha?"

Nagtataka akong tumango sa kanya kahit hindi ko siya maintindihan. Napatingin ako sa bracelet. Mukha naman siyang matibay. Baka mahalaga ito kay Fee kaya ayaw niyang masira.

"Sige. Balik ka agad. Uupo lang ako doon sa may waiting area" sabi ko sa kanya.

Tumango siya. Nauna ng naglakad 'yung Eloy at sumunod naman siya.

Napakamot ako sa batok ko ng iwan nila ako. Naglakad na ako patungo sa waiting area at doon naupo. Binaling ko na lang ang pagkabored ko sa phone ko.

Naglaro ako ng Mobile Legends para malibang. Napangiti ako ng magaganda ang mga kakampi ko. Dagdag star na naman 'to panigurado.

Pagkalipas ng ilang minuto, nanalo nga kami pero wala pa rin si Fee.

Akmang ilalapag ko na ang phone ko sa mesa sa harapan ko ng biglang...

biglang napigtas ang bracelet.

Fee's PoV

"Kuya naman"

Nandito ako ngayon sa office ni kuya Eloy at puro sermon ang natatanggap ko. Pati na yata sermon na para kay kuya ay sa akin sinasabi. Wala naman akong alam doon pero infairness, gwapo pa rin si kuya makalipas ang isang taon.

"Ang rupok mo pa nga! Kita mo kanina?! Di ka pa rin niya matandaan" asik nito sa'kin.

"Tama na ang sermon kay Dae, kuya. Mahal ko 'yung tao eh. Nga pala, bakit ka tumawag ng madaling araw? Alam mo bang alas tres na 'yon?" pag-iiba ko ng topic.

Biglang nanlaki ang mata ni kuya.

"Tumawag ako?" tanong nito.

"Oo, tinatanong mo pa nga kung ayos-"

"Hindi kita tinawagan" pamumutol nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi ni kuya Eloy. Baka nagbibiro lang siya...

"Seryoso ako kuya. Tumawag ka. Tanungin pa natin mamaya si Jero...Nakita niya ang caller ID mo sa phone ko" saad ko sa kanya.

"Nope. I'm sure hindi ako tumawag dahil alam nating pareho na delikado para sa ating mga bukas ang pangatlong mata ang gising sa devil's hour. Tulog na tulog na ako noon dahil sa sleeping pills, Fee" paliwanag nito.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon