Chapter 46

114 3 0
                                    

"Dae, gising na!"

Napamulat ako ng may malakas na umaalog sa'kin at tawag ng tawag.

"What?!" irita kong tanong.

"Dae! Tanghali na!" sigaw na naman ni Eloy sa'kin.

Agad akong napabangon ng sumagi sa isip ko si Fee. Nagmamadali akong pumunta ng banyo at naligo. Mabilis ang mga kilos ko at agad akong nag-ayos. Dumiretso agad ako sa may pinto bago humarap sa kanila.

"Tara na" sabi ko.

"Where are you going?" tanong ni Chris.

"Sa h-hospital" nahihiya kong sabi.

"Dae, pupunta na tayo sa gubat at 'di natin madadaanan si Fee dahil saliwa ang direksyong tatahakin natin. Kailangan din natin bilisan dahil mahirap maghanap ng puno ng madilim" saad ni Eloy.

Napayuko ako at nanlumo. Sariwa pa rin ang nangyari sa'min kahapon. Hindi pa ako nakapag-explain sa kanya kung bakit ganoon ang inasal ko. Hindi ko din alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kuya niya at sa may pamilya niya dahil kasalanan ko ang nangyari. Bakit kasi ang hina mo Jero?! Para ka namang bata eh!

"Cheer up, Jero. Magiging maayos din si Fee. Just pray for her and everything will be fine" sabi sa'kin ni Chris.

Tumango na lang ako. Inangat ko ang paningin ko ng may ibigay na bag si Eloy.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Ikaw magbitbit. Di natin alam kung hanggang kailan tayo sa gubat. Medyo malawak iyon at baka magutom tayo. Pagkain laman niyan" sabi niya.

Tumango akong muli at nauna na siyang lumabas ng pinto. Mabilis akong sumunod sa kanya.

Para kay Fee gagawin namin 'to bago mahuli pa ang lahat.

Pagka-baba namin ng building, agad kaming sumakay sa kotse ni Eloy. Sa likuran ako at sa harapan silang dalawa. Si Eloy ang nagmamaneho ng sasakyan.

Tahimik lang ang aming biyahe. Walang gustong magsalita at walang gustong umimik.

Maya-maya pa, huminto na ang kotseng sinasakyan namin. Masyado pang maaga huminto. Galing sa pagkakatingin ko sa bintana napatingin ako kay Eloy.

"Hinarangan na naman niya tayo" mahina niyang sabi

Binuksan ko ang bintana at napatingin sa daan. Malapit na kami sa entrada ng gubat pero may tumbang punong nakaharang sa may daan.

"Bumaba na tayo" utos niya.

Bumaba na kami kahit wala pa kami sa gubat. Sinimulan na namin ang pagbaybay sa may daan.

"Masyadong tahimik. Pansin niyo ba? Walang mga ibon at patay ang hangin" sabi ni Eloy habang naglalakad.

"Pansin ko din" sabi naman ni Chris.

"Wala akong nakikitang kaluluwa" tangi kong nasabi.

"Syempre, wala pa tayo sa gubat eh. Hintayin mong makapasok tayo. Imposibleng hindi lalaban ang babaeng 'yan sa balak natin gawin sa punong pinamamahayan niya" sabat ni Eloy sa'kin.

Ever's PoV

Tss. Bakit kasi kailangan mangyari 'to?! Kasalanan ko 'to eh! Kung hindi ko sana sila pinangunahan!

"Ever, kumusta na ang kapatid mo?" tanong bigla ni daddy sa'kin. Di ko man lang namalayan na nasa harap ko na siya.

"Still on the ICU, in coma. Bakit kasi kailangan kong gawin 'yon, dad? Para subukan sila? Tignan mo ang nangyari. Kasalanan ko 'to! Fee suffered a lot. Hindi niya man lang ipinaalam sa'tin na may tumor siya sa utak! Nakakainis, dad! Kahit isa yata sa'tin, walang alam!" naiirita kong sabi.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon