Siguro, kumukuha siya ng tiyempo… hindi makapasok dahil alam niyang may ibang tao sa loob, at ako yun!
Sa kagustuhan kong mahuli kung sino man ang nagtatago sa likod ng maskarang iyon, gumawa ako ng plano.
Pumasok ako sa Girl’s CR. Nasa tabi lang kasi nun ng mga lockers.
Habang nasa loob ako, dinidinig ko ang bawat tinig na maririnig ko. Maya maya, may narinig akong tunog ng isang takong ng sapatos. Dahan dahan yun. Halatang nag-iingat.
Hindi ako nakatiis. Gusto ko na talagang malaman kung sino un. Malay nyo, multo diba?
At sa paglabas ko galing sa banyo….
O_____O
Sabi na nga ba eh.
“JULIA!? Anong ginagawa mo rito?”, si Julia yung una kong nakita. At siya lamang ang andito na kasama ko.
“a-ah w-wala, m-may kinuha lang ako. Tama! May kinuha lang ako sa locker ko. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?”
“ahh. May kinuha ka sa locker mo? As in dito?”
“oo. B-bakit?”
Naglakad ako papalapit sa kanya atsaka ko siya inikutan at tinignan mula ulo hanggang paa.
“uhmm, Julia… sa pagkakaalam ko, family names na A to L lang ang mayroong locker dito? MONTES ka diba? Unless, pinapalitan mo yang last name mo?”
“at ano yang tinatago mo diyan sa likod mo?”, dagdag ko ulit. Hindi kasi siya nakapagsalita after ko sinabi yun. Lutang na lutang at nanlalaki ang mga mata niya.Napansin kong may hawak hawak siyang isang papel?! Na tinatago niya sa kanyang likuran.
“anong tinatago? W-wala ah!”, pagdedeny niya,
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
FanfictionFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?
33: I'll Wait For You.
Magsimula sa umpisa