SC: Christmas Special

8.6K 299 137
                                    



MERRY MERRY CHRISTMAS GUYS!




☃ ☃ ☃ ☃ ☃  




So how did HunHan celebrate Christmas this year? 




December 25, 10:00 am...





'kring kring'


Gumulong ng isang beses si Luhan sa kama niya, pilit na tinutuloy ang tulog. Napuyat kasi siya kagabi kasi buong magdamag na katawag niya si Sehun, ang kanyang boyfriend. Wala naman silang matinong pinag-usapan. Pero ganun naman yun diba? Kahit walang maayos na plot ang usapan, makausap mo lang siya, ayos na.


'kring kring'



Tinakpan ni Luhan ang ulo niya ng unan. Ayaw niyang magising. Antok pa siya. Antok na antok. At walang kahit na sino ang makakapigil sakanya sa pagbalik sa dreamland. 



Maliban sa isang tao. 



"Luhan!" tawag ni Baek sakanya at inalog ito. "May tumatawag sayo!" 



'kring kring'



Umiling si Luhan at nagtaklob ng kumot. "Five minutes." antok na bulong nito at pumikit sabay talikod kay Baekhyun. 



"O sige, ako na muna kakausap kay Sehun." sabay kuha sa cellphone ni Luhan at pinindot ang "Accept".



Agad naman na bumangon si Luhan at inagaw ang cellphone mula sa kamay ni Baekhyun. Nawala agad ang antok sa pagkatao niya at nagpunas ng mukha, inaalis ang tulog mula dito. Kita niyo na. Yan tayo eh. 



"H-hello?" medyo paos pa na sabi nito, kasi nga, kagigising niya. 



Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Sehun mula sa kabilang linya. "Good morning, sleepy head." bati niya dito na nagpangiti kay Luhan. Napa-eyeroll naman si Baek at nagsuklay. Pati siya ay kagigising din. Mas maaga nga lang kesa kay Lu-ge. "Merry Christmas!" 

Fall for the BeastWhere stories live. Discover now