Beast 2

7.8K 349 71
                                    




~Lu Han~




Habang nilalagay yung mga gamit ko sa locker, isang kamay ang pumatong sa braso ko. Lumingon ako at nakita ang isang Byun Baekhyun--- kasama ko sa isang organization--- na nakatayo at may inaabot sa akin. 



"Ano yan?" tanong ko at kinuha yung folder na binibigay niya. 



"News." sagot niya. "Paki-edit nalang ah. Ang dami ko pa kasing gagawin na editing sa feature stories. Sabi ni Suho, dapat matapos nating i-compile by the end of this week yung mga articles para sa school paper." 



Tumango ako at binuklat yung folder. "Sino palang gagawa ng news para sa darating na party?" 



Kumunot ang noo ni Baek. "Hindi ko alam eh." sagot niya. "Ikaw, kung gusto mo. May date ka ba?" 



Natawa ako sa tanong niya. "Mukha ba akong may date?" natatawang sagot ko. "O sige, ako nalang. Tutal ako din naman mag-eedit ng news." 



Ngumiti siya ng malaki at pinat ako sa balikat. "Thank you, Luhan! You're the best!" masayang sabi niya at naglakad palayo. 



Pinanood ko nalang si Baek maglakad palayo hanggang sa isang nakakagulat na pangyayari ang nakita ko.



Biglang lumapit si Park Chanyeol kay Baekhyun at may sinabi. Hindi ko marinig kung ano kasi malayo na sila pero biglang namula si Baek at umiwas ng tingin. 



May sinabi pa ulit si Chanyeol at maya-maya, tumango ng mabagal si Baekhyun. Tapos sobrang saya ng mukha ni Chanyeol. At sabay silang naglakad palayo. 



Anong nangyari?! Baka pag-trip-an lang ni Chanyeol si Baek! Mabait pa naman yun! 



"OMG!" sigaw ng babaeng katabi ng locker ko. "OMG TALAGA!" 



Napatingin ako sakanya at sinundan kung saan siya nakatingin. OMG nga talaga. 



Sabay na naglalakad sina Sulli at Sehun sa hallway. At ang nakakagulat pa, MAGKA-HOLDING HANDS SILA. Lumampas sila sa tapat ko at bakas ang gulat sa lahat ng taong nilampasan nila. 

Fall for the BeastWhere stories live. Discover now