"Kay Mommy, doon po sa shop. I'll talk to her baka balikan niya po ako sa bahay." sabi nito ay umalis na sa kotse. My daughter really hates me huh? How stupid you are Xian.

Wala na akong nagawa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho papunta sa opisina. Pagkadating ko roon, tambak na trabaho na naman ang kaharap ko.

"Sir, nandito po si Mr. Villanor may ibibigay daw po sa inyo." sabi ng secretary ko kaya agad ko namang pinapasok si Mr. Villanor.

Si Mr. Villanor ay ang private investigator na kinuha ko para sana alamin ang nangyari kay Tangerine noong umalis siya. Gusto ko sanang malaman ang mga nangyari sa kanya, at ayoko na sanang gambalain pa siya na tanungin sa mga bagay na iyon dahil panigurado ay hindi niya ako pagtutuunan ng pansin.

"Good Afternoon, Mr. Villacer. Marami akong nakalap na mga impormasyon para sayo." sabi nito.

"That's great." sabi ko. Binuklat naman niya ang dala niyang envelope at mga papel na hindi ko mawari kung ano ang mga nakalagay.

"March 23, 2018 ay nakita siyang nagtungo sa isang karenderia sa Makati, doon siya nagtatrabaho at mukhang doon siya nanirahan ng isang taon. April 19, 2018 naman ay nag enroll siya sa public school doon ay ipinagpatuloy niya ang college. October 19, 2018 ay na-ospital siya, sabi ng mga nurse doon ay bigla daw itong nahimatay sa daan at mabuti nalang ay may nakakita at isinugod doon. November 5, 2018 na ospital siyang muli. Miscarriage ang naging dahilan." mahabang paliwanag nito na nakapag-patanga sa akin.

I got her pregnant that time? F*ck. Ano 'tong nagawa ko? Napaka g*go ko talaga. Hindi ko na napigilan na mapaluha sa mga nalaman ko, ngayon-ngayon lang. Sh*t. I'm that stupid and irresponsible. Ang lakas pa ng loob kong humingi ng tawad sa kanya, at gambalain pa siya sa tahimik na niyang buhay.

"I'm sorry Mr. Villanor, for crying infront of you. She's my wife. Thank you for the informations. Until next time." sabi ko at umalis na rin ito.

Sh*t. Sh*t ka Xian. She was pregnant at pinabayaan ko lang siya? Inakusahan ko pa siya ng maraming bagay na hindi naman niya ginawa. Sobra-sobrang pagpapahirap ang ginawa ko sa kanya. Damn. Paano ko makukuha ang pagpapatawad niya kung sa tingin ko ay pati sarili ko ay hindi ko mapapatawad sa mga nagawa ko sa kanya.Hindi ako karapatdapat para sa pagpapatawad niya. All think about is myself. Palaging sarili ko na lang ang inuuna at iniisip ko. 

Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko, alam kong nagmumukha akong mahina dahil sa mga luhang ito ngunit sobrang sakit pala mawalan ng anak at asawa. T*ngina. I just can't help but to cuss. 

After absorbing all of the informations I've heard. Napatulala na lang ako sa tapat ng glass window ng opisina ko. Natauhan na lang ako nang nag-alarm ang cellphone ko. Oras na pala ng uwian ni Rigel. 

Wala sa sarili akong bumaba ng building at sumakay na sa kotse ko. Nagmaneho ako hanggang sa makarating ako sa school.

Pagkarating ko ay nandoon na si Rigel sa tapat ng school, sa bandang playground, nang makita niya ako ay agad na siyang lumabas.

Pumunta kami kaagad sa milk tea shop kung saan nagtatrabaho si Tangerine, katulad ng palagi niyang hiling sa akin. At marahil kagustuhan ko rin.

Gusto ko rin siya kausapin at humingi ng tawad. Sisimulan ko nang bumawi sa kanya. Alam kong marami pa kong pagdadaanan para lang mapatawad niya, gagawin ko ang lahat, hindi ako susuko. I'm not the old Xian anymore.

Hindi kami nabigo ni Rigel, nandito nga ang Mommy niya. Nandoon ito sa counter at pinagsisilbihan ang mga customers. Napakaganda niya kahit na wala itong kolorete sa mukha. 

Kaagad namang tumakbo si Rigel sa counter at mukhang nagulat ang Mommy niya ng makita ito, luminga ito sa paligid at tila may hinahanap, umalis muna ito sa counter. Nagtagpo ang mga mata namin, ngumiti lamang ako at lumapit sa kanila ngunit umiwas ito ng tingin sa akin.

"Mommy! I miss you po, so much!" sabi ni Rigel at niyakap ng mahigpit ang Mommy niya. Sana pwede ko ring mayakap ng mahigpit ang Mommy mo Rigel. Miss na Miss ko na rin siya.

"I miss you too baby, so much." sabi nito at niyakap rin pabalik si Rigel.

"Mommy, look I got 10 stars kanina po sa school." sabi ni Rigel at ipinakita kay Tangerine ang dalawang braso niya na puno ng stars.

"Wow, ang galing ng baby ko, anong gusto mong flavor ng milk tea huh? Mommy will treat you! Ang talino talaga ng baby ko." sabi nito at hinalikan sa pisngi si Rigel.

"Overload Chocolate po Mommy!" sabi ni Rigel, Kaagad naman na nagtungo si Tangerine sa loob at tila sinabihan ang taga-gawa ng milk teas tungkol sa order ni Rigel.

"Maghintay ka muna dito baby ha? Mag-uusap lang kami ng Mommy mo." sabi ko at inalalayan umupo sa upuan si Rigel, tumango naman ito kaya hinawakan ko ang kamay ni Tangerine at nagtungo kami sa labas.

"Ano bang problema mo Xian?" sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.

"Is that true? That I got you pregnant before?" tanong ko.

"Oo, at nakunan ako. Ano? Isisisi  mo na naman ba sa akin?" sabi nito.

"No. Baby. I'm so sorry" sabi ko at inabot ang kamay niya ngunit binawi niya ito.

"Anong hindi? Hindi ba doon ka magaling? Ang akusahan ako ng mga kasalanan na hindi ko naman ginawa?" sabi nito at nakita ko ang luha na tumulo sa kanyang pisngi. I got panicked and I tried to wipe those tears.

"No, I'm sorry, I don't know about those, I didn't mean to do that." sabi ko at pilit na hinahawakan ang mga pisngi niya ngunit sinampal niya lamang ang mga kamay ko.

"Ang sama-sama mo! Umalis ka na!" sabi niya. Niyakap ko naman siya ngunit pilit siyang kumakalas at pinag-susuntok ang dibdib ko pero hindi ako natinag at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Ang sama sama mo! Pupunta ka sa akin ng parang wala lang! T*ngina Xian! Lubayan mo na ko!" sabi niya at maging ako ay napaiyak na rin.

"Sorry. Baby. I'm sorry. I love you. I'm sorry." 

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020 

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now