"I extracted information from the enemies' memories, and I guess I can let you out," wika niya at mabilis na nilapitan ang kulungan.

Inobserbahan niya ang paligid at napatango.

"Cassiopeia did the right thing, you know," bulong niya at nagsambit ng iilang kataga na kahit isa ay wala akong maintindihan.

Ilang sandali lang ay nagliwanag ang rehas at naging abo. Bigla akong namangha sa nangyari kaya hindi ako nakapaghanda ng mabilis akong hilahin ni Maya.

"Witchcraft is such a wonder, indeed. Let's get out of here in an instant," utos ni Lord Alexus.

Napatingin ako kay Stacey na tulala pa rin.

"Young lady, will you go with us?" tanong niya kay Stacey at napailing lang ito.

"The best you can do is to leave me alone," may pait at lason ang binitawang salita ni Stacey.

Naintindihan naman ito ni Lord Alexus kaya nagpatiuna na siyang lumabas. Agad kaming napatigil nang isang hukbo ng kawal ang agad na sumalubong sa amin.

Bigla kong dinukot ang punyal na bigay sa akin ni Cassiopeia at inihanda ang aking sarili. Maging si Maya ay nagulat ng makitang may nakatago akong armas.

"As I expected, it won't be easy," wika ni Lord Alexus at ikinompas ang kanyang kamay.

Ilang kawal ang napaluhod habang hawak ang kanilang ulo at humandusay sa sahig. Ilang sandali lang ay nawalan sila ng malay. Hindi ko inaasahan na ganito kalakas si Lord Alexus.

Batay sa aking nabasa, ang pamilya nila ay may kakayahang magsagawa ng telepathy.

Ngunit marami pa ring kawal ang nakatayo at handang sumugod sa amin.

Mula sa labas ay nakarinig kami ng mga alulong ng aso. Naging balisa ang mga kalaban sa aming harapan.

"What are they doing here?" nagtatakang tanong ni Lord Alexus. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

Ilang saglit lang ay yumanig ang pader at biglang nawasak ang pasilyo. Mula sa maalikabok na paligid ay lumitaw ang iilang naglalakihang lobo sa aming likuran.

"Werewolves," patukoy ni Maya sa bagong dating.

"Hindi ko inaasahan ang tagpong ito. Hindi ko rin matimbang kung kailangan ko bang mamroblema sa bagong dating," pahayag ni Lord Alexus na mukhang mas naging alerto.

Of course, werewolves are natural enemies of vampires.

Mula sa naglalakihang mga lobo ay isang pigura ang lumabas at naglakad palapit sa amin. Agad naman akong napangiti nang mapagsino ito.

"Austin Crux Silverdusk," bangit ko sa kanyang pangalan kaya napangisi siya.

"You remember fellows well." Kinindatan niya ako at hinila mula kay Maya.

"From this momemt, I will be the one in charge of her," pag-iimporma niya kay Lord Alexus.

"May I confirm your claim through the lady you're saving?" Napatingin sa akin si Lord Alexus kaya nginitian ko na lang siya.

"I'm fine with him. Kilala ko siya. Kilala rin siya ni Caldrix." Napatango siya.

"Isang hindi kapanipaniwalang kaganapan," komento niya.

"Sumama ka na rin sa amin," alok ni Austin kay Lord Alexus, na mabilis nitong inilingan.

"May kailangan pa akong tapusin dito. Humayo na kayo."

"Maya, sasama ka sa amin." Napatingin ako sa kanya.

Kahit nag-aalinlangan ay tumango siya.

"Let's go!" sigaw ni Austin at tumahol ang kasama niyang mga lobo.

Fated To BeWhere stories live. Discover now