Obsession 22

20.5K 884 115
                                    

Gresha

Napatingin ako sa labas. Napakasarap tignan kung paano tamaan ng sinag ng araw ang bawat halaman. Mabuti na lang at gawa sa matibay na salamin ang ilang bintana rito kaya nakikita ko pa rin ang labas mula rito.

Nandito ako sa pangalawang palapag ng kastilyo.  Nandidito kasi ang library. Ang unang palapag at tanggapan ng panauhin, galleries,iba't ibang hall na kailangan sa pagpupulong, quarters, at ang throne room. Doon din pinakaaktibo ang royal guards at imperial army. Dito naman sa pangalawang palapag ay ang library, opisina, laboratory, music room at marami pa. Kadalasang makikita rito ay mga tagasilbi ng palasyo. Sa pangatlong palapag naman ay tanging nakalaan lang para sa hari. Naroon ang personal na silid ni Caldrix, ang kasalukukyang tinutuluyan ko ngayon. At walang nakakaapak doon maliban na lang kung may pahintulot mula sa kanya. Nalaman ko ito mula sa pagbabasa ko tungkol sa lugar na ito. Ngunit kung iisipin, sa taglay nitong laki, sigurado akong mas marami pang bahagi ang nakatago rito. Like a secret passage, mystery hall, or private rooms.

Wala ngayon si Caldrix dahil may dinaluhan siyang pagpupulong. Tanging si Maya lang ang nakasalamuha ko simula kaninang umaga. Mabuti na lang at magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

It's already noon and I asked her to bring my meal in the library. Ngunit wala pa siya ilang minuto na ang nakalipas. Kaya heto ako ngayon papunta sa dining hall para alamin kung ano na ang nangyari sa kanya.

[ Third Person ]

"Queen their asses! Screw them!" bagot na bungad ni Haring Caldrix nang makarating siya sa kastilyo mula sa pagpupulong na nagpainit sa kanyang ulo.

Tumuloy muna siya sa conference hall para kausapin ang iilang pinagkakatiwalaan niya.

Nangangati na siyang makita ulit ang kanyang pinakamamahal na si Gresha na iniwan niya kanina habang natutulog pa ito ng mahimbing.

"But the Elders are right. It's been almost fifteen years since you became a king. The citezens are already looking for a queen," komento ni Veronica.

Ilang pagkakataon ng pinayuhan si Haring Caldrix na magtalaga na magiging Reyna dahil matagal nang bakante ang posisyon na ito. Posisyong may mahalagang gampanan at katayuan sa mundo ng Vampyria. Ngunit hindi niya iya ito binibigyan pansin dahil abala siya sa paghahanap sa kanyang kabiyak na siya rin ang dahilan kung bakit nawalay ito sa kanya.

Ngunit ngayon ay talagang masugid na ang Elders sa pagtatalaga ng bagong reyna. Bukas magsisimula ang paghahanap ng reyna at pagtanggap ng mga aplikante sa posisyon. At pagkatapos ng Red Moon ay ang seremoniya ng pagpipili ng bagong reyna.

Kung may asawa na ang hari ay siya na agad ang magiging reyna. Kung wala naman ay maaring ang ina nito ang uupo sa posisyon, maliban na lang kung nais baguhin ng hari. Ngunit sa sitwasyon ni Haring Caldrix na wala mula sa nabanggit, magkakaroon ng open voting para sa uupo sa pwesto.

"I don't need one. I can be fine on my own without a queen, and to be honest, even without the Council or the Elder. They're always a pain in the ass."

"But you can't break the system our ancestors had built. This one is quite effective compared to some primitive dictatorship," pagtutol ni Axel.

"Yeah right. I'll take it from the son of the Head Council."

"Bakit ba ayaw mong magkaroon ng reyna?" takang tanong ni Adam Martial.

"Gresha would probably be jealous and I don't want to hurt her, ever. And besides, she already is my queen."

"Isang napakataas na posisyon ang pagiging reyna. Hindi nanaisin ng mamamayan na magkaroon ng reyna na isang mortal. Sigurado akong magkakaroon ng protesta na magiging sanhi ng malawakang kaguluhan."

Fated To BeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt