Obsession 18

20.9K 1K 127
                                    

Veronica

Isang mamahaling vase na naman ang lumipad kung saan at tuluyang nabasag.

"What the hell are you saying? Idiots!" sigaw na naghatid ng matinding takot, maging sa akin.

Kanina pa nagwawala si King Caldrix dahil pumalpak ang dalawang tauhan na inatasan niyang bantayan si Gresha. I didn't know what was happening because I'm busy at the library until I heard a loud noise in here, only to be welcomed with this scene.

Napapikit ako. Tuluyang naging abo ang dalawang tauhan ng biglang nagliyab ang mga katawan nila.

Hindi ako umimik dahil alam ko kung ano ang magiging kahihinatnan nito. Ilang beses ko nang nakitang nagwala si King Cladrix, at alam kong mas maiging manahimik na lang. He's one of those people who can't control anger and tantrums well. He's the hardest person to deal with. But, here am I, serving him with all my life.

"There is an outbreak of fucking normies-turned bullshit vampires around the city, and me not knowing where Gresha is, is the worst fucking  news of the day!"

He's enraged and worried at the same time.

Well, who wouldn't be?

Nakaramdam ako ng pagbigat ng hangin at biglang sumulpot ang kanina pa namin hinintay.

"God, you took a century, Ares!" komento ni King Caldrix, kaya biglang napaayos ng tayo si Ares.

Ang pagkakaalam ko ay may inutos si King Caldrix sa kanya kaya sa halip na siya ang magbantay kay Gresha, ay ang dalawang palpak na tauhan.

"Here." Tinanggap ni King Caldrix ang inabot niyang papel.

"They are having an outreach program to that said village. That explains why she's neither in her apartment nor in the university."

"Then get your fucking ass out of here and go to her right now!"

"As you command, King Caldrix." At sa isang kurap ay naglaho si Ares.

"How about the thing you're digging, Veronica?"

Bigla akong napaayos ng postura dahil sa kanyang tanong.

"The thing we found, well, it has connection to witchcraft. I'm sure of that."

"Witchcraft huh?" Kinilabutan ako dahil sa kanyang ngisi.

"How brave of them to do such thing? They'll taste my justice."

Gresha

"Why are you even with us, freak?" maarteng tanong ng kasama ko sa outreach program na hindi ko alam ang pangalan. Ang alam ko lang ay kanina niya pa ako napapansin at pinag-iinitan sa hindi ko malaman na dahilan.

Napakamalas ng araw na ito!

Una, naiwan ako ng van na para sana sa aming grupo. Kaya heto ako ngayon, sinusubukang pakisamahan ang mga taong hindi ko naman masyadong kilala. Pangalawa, napasama pa ako sa grupo na naka-assign sa pinakalamayong barrio.

Binabawi ko na lang sa katotohanan na ito ay isang outreach program, at kahit papaano ay nakakatulong ako.

"Yeah right. Tignan mo nga, sa halip na sa atin lang nakatuon ang atensiyon ng mga boys ay napunta sa babaeng yan!" bulong ng kasama niya na halata namang pinaparinig sa akin.

Ngunit hindi ko na lang sila binibigyan ng pansin. As long as I'm doing nothing wrong, it doesn't matter, they don't matter.

Kasalukuyang tinatahak na namin ngayon ang daan pauwi. Sa halip na pansinin ko ang kanilang mga komento ay tinuon ko na lang ang aking atensiyon sa may bintana ng van. Malaya kong natatanaw ang papadilim na kapaligaran.

Fated To BeWhere stories live. Discover now