Obsession 27

18.4K 795 42
                                    

[ Third Person ]

Halos lahat ng kawal at mamamayan ng Vampyria ay abala sa pag-apula ng apoy na halos kumalat na sa buong kagubatan.

Wala silang alam kung ano ang dahilan ng pagkaroon ng forest fire.

Ngunit sa isang silid ng kastilyo ay muli na namang nawasak ang kisame at pader nito.

"Twenty royal guards, an alpha-turned, and a pureblood. What the fuck is wrong with you all?!"

Hindi masusukat na galit ni Haring Caldrix dahil sa balitang dala nina Veronica at Axel Night.

Kahit labag sa kanyang kalooban, minabuti niyang ilayo muna si Gresha sa kanya nang makita niya ang pinsalang natamo nito pagkatapos nilang magtalik at paglagay niya ng seal. Halos takasan siya ng katinuan ng masilayan niya ang mga sugat at pasa nito na siya ang may gawa.

Inilayo niya ito dahil doble pa ang matatamo nito sa darating na Red Blood Moon na kung kailan ay mas agresibo sila.

Ngunit pinalayo man niya, sinigurado nito ang kanyang kaligtasan. Isinama niya si Veronica upang paggalingin ito ng maayos. Sumama rin ang dalampung kawal upang magbigay ng seguridad. At upang mas mapanatag pa siya ay ipinasama pa niya si Axel Night, isang pureblood na bampira na kilala sa kanyang angking lakas.

Ngunit hindi siya makapaniwala na natalo silang lahat ng isang hindi kilalang bampira na tumangay sa kanyang kabiyak.

"This is my entire fault. I should've not let her stay away from me."

"H-haring C-caldrix, mas lumalala pa po ang apoy sa gubat. Malapit na nitong maabot ang bayan," pag-iimporma ng isang kawal na kinakabahan dahil sa nakikitang pinsala sa silid.

"Let it be. That's my verdict. Everyone will suffer unless she is presented in front of me safe. Now, get the hell out of my sight or I will wring your neck!" banta ni Caldrix kaya kumaripas ng alis ang kawal.

"The two of you," tawag niya kay Veronica at Axel na tahimik lang na nakatungo sa gilid.

"Bring her to me in whole piece or I will torture every fiber of your useless body."

"Masusunod, Haring Caldrix. We will do our best," magalang na pahayag ni Veronica samantalang si Axel ay yumuko lang. Pagkatapos ay sabay silang naglaho.

Nang mapag-isa na lang si Caldrix ay hindi niya maiwasang mapaisip sa kung sino ang dumukot kay Gresha.

Alam niyang marami ang tutol sa kanyang pagiging hari ngunit walang naglalakas loob na kalabanin siya.

Nababaliw na siya sa kaba sa kung saan niya hahanapin si Gresha.

Tumakbo siya at agad niyang narating ang pusod ng kagubatan. Patuloy niyang pinapakiramdaman ang koneksiyon ni Gresha ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay humihina ito.

Dapat ay alam na niya ngayon kung nasaan si Gresha dahil sa kanilang bond na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Ngunit halos hindi na niya maramdaman si Gresha.

"Oh shit! What the hell is happening!?"

Magpapatuloy pa sana siya sa paghahanap kay Gresha nang maramdaman niya ang isang malakas na enerhiya sa paligid.

Nagulat siya sa kung sino ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Isang babae na ilang taon na niyang hindi nasisilayan.

"Look how hopeless your face is," nakakaloko nitong pahayag.

Tumalim ang tingin nito sa babae.

"What do you know about this? Or are you the one behind this shit?"

Fated To BeWhere stories live. Discover now