Pinunasan ko ang luha ko't pursigidong tinignan siya.

"Hinding hindi ako magsisisi."

E N D O F F L A S H B A C K


Doon nila ako pinatulog sa bahay para raw makita nilang sincere ako. Pumayag ako sa kondisyon niya sa kagustuhan kong makita ulit si Mom.

Kilala ko ang tatay nila, nailayo niya ako kay Mom noon. Hindi malabong kaya niyang gawin ulit 'yun sa akin.

Noong araw kasi na binalak kong makalapit kay Mom nung nalaman ko kung nasaan siya, agad na may pumigil sa akin at nilayo ako kay Mom. Nung araw rin na 'yon, nalaman ko na lang na wala na sa bansa si Mom. Dahil 'yun ang narinig kong sinabi nila.

Hininto ng tatay nila ang kotse at pababa na sana ako ng magsalita siya.

"Maraming nagbabantay sa'yo sa loob ng school na ito, Caroline. Isang pagkakamali, hindi kita hahayaang makita ang Mom mo."

"Oo na," sagot ko't padabog na lumabas ng kotse.

Pumasok na ako sa loob ng school at deretsong pumunta sa dean's office. Kesyo kailangan daw akong kausapin ng Tito kong dean. Ang corny nila.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng maalala ko ang kondisyon ng tatay nila. Kahit na labag sa loob kong kumatok muna, ginawa ko na lang bago ko buksan ang pinto.

"Good morning po," walang gana pero may kaunting galang kong bati.

Nahinto ito sa pagtingin sa papeles na kanyang ibinaba ng ako'y papalapit.

"Maupo ka," utos niya na ginawa ko naman.

Nakakainis ito sa totoo lang!

"Nasabi na sa akin ng Dad mo ang nangyari," panimula niyang sabi.

Psh... ano pa nga ba? Sa pagkabungangero ng tatay nila syempre alam na nila ang nangyayari sa buhay ko.

"Sinabi sa akin ng Dad mo na bantayan ka ng maigi at i-report sa kanya lahat ng bawat galaw mo."

"Kahit pagligo ko?" natatawa kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama kaya naman tumahimik ako.

"Opo," suko kong tugon.

Tumitig muna siya sa akin bago magpatuloy.

"Magmula ngayon, babantayan ka na rin nila Isaac at Adam. Pati na rin ang mga teachers mo at ilang students na in-assign namin. Lahat ng galaw mo, lahat ng mga gagawin mo sa loob ng school na ito, imo-monitor nila. Gusto ng Dad mo na huwag ka ng gumawa pa ng kahit na anong gulo. Gusto niyang ayusin mo na ang buhay mo't sumunod sa patakaran ng school na ito Caroline. Gusto niya ring makita na mas tumaas pa ang grades mo," mahaba niyang paliwanag.

Grades? Psh... ang dali-dali lang nun.

"Daig ko pa presidente," bulong ko.

"May sinasabi ka?" seryoso niyang tanong.

Ngumiti ako't umiling.

Kailan ba matatapos ng pagdadada nito? Nakakabingi na kasi.

"Sinabi sa akin ng Dad mo ang dahilan kaya sana ngayon, umayos ka na. Sana talaga tumino ka na. Dahil simula ng ipasok ka ng Dad mo rito, nagkaroon na ng lamat ang school sa mga pinaggagawa mo. Kaya sana ngayon, umayos ka na."

Lamat? Akala ko ba matagal ng meron dahil sa hunghang? Rason nga naman. Sa akin pa sinisi, edi sana hindi nila ako tinanggap mga buwang.

"Oho," magalang kong sagot. "Pwede na po ba akong umalis?" pahabol kong tanong at tumayo na.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingWhere stories live. Discover now