Kabanata 23

28 1 0
                                    


Now Playing:// Fix You - Cold play or
It will Rain - Bruno Mars

Yve

NAKATITIG lang ako sa ceiling, hindi ko alam na dito ako babagsak matapos ng lahat.

Pumasok na yung Doctor, tumayo sina mama sa sofa at lumapit sakin.

"Ija, kamusta? Buti at gising ka na."

Tumingin lamang ako sa kanya habang hinihimas ko ang tyan ko. "An angel will always be a superhero." Sagot ko.

She smiled. "Yes. He will guide you through your journey, He'll come back again, when the right time comes."

Ayoko marinig pero masakit, gusto ko malaman. Truth will always be hurt. Bumuhos na agad ang luha sa mga mata ko. Niyakap ako ni mama.

Tears are words the heart can say.

"I'm sorry-- bukod sa naaksidente ka sa hagdan, mahina na din ang tibok ng puso at kapit nung bata sa tyan mo, in the mean time, pabitaw na rin siya --- I'm sorry, we don't save your child."

Para akong nadurog bigla. Hindi ko manlang nalaman kung lalaki ba o babae ang anak ko, okaya naman kambal.

Ang sakit maraspa pero mas masakit yung wala akong ginawang tama para ingatan yung bata sa loob ko.

Ibinigay sakin ni mama ang isang case, laman noon ang anak ko na paglalamayan ko. Wala man itong katawan o ano, anak ko pa rin ito.

"I hope, you'll be alright. He'll come back again in the right time." Sambit nung Doctor.

Niyakap ko lamang iyon at umiyak. "Excuse me." Tinapik ako ng Doctor bago siya lumabas.

Umiyak lamang ako. "Sorry ineng-- sorry hindi kami nakatulong sayo-"

"Ma' wala kayong kasalanan. Kasalanan ko lang kasi nagpakatanga ako sa lalaking iyon, kasalanan ko kasi minahal ko siya ng sobra, hindi ako nagtira para sa sarili ko. Sinikap kong mabuhay siya, pero--- yung anak ko ang pinatay ko, kung sana nakinig ako kina Trina, edi sana nakapag ingat ako."

Ipapakulong ko si Vanessa at si Mien sa ginawa nila sa buhay ko. Kailangan ko ng hustisya, kailangan nila managot sa batas para wala na silang lakas na gawin din iyon sa iba.

Binigyan ako ni Mama ng tubig. Matapos kong uminom, sumama ang pakiramdam ko ng makita si Arn sa pinto ng Private room na ito.

"Bakit ka nandito?!" Sigaw ni papa, inawat naman siya ni Mama.

"Gu- gusto ko po humingi ng tawad sa inyo."

"Tawad? Binibigay lang iyon sa mga karapat dapat patawarin! Umalis kana dito." Galit na sabi ni Papa.

"Pa--- gusto ko siya maka usap. Siya ang ama ng anak ko." May piyok man sa boses ko ay umiwas ako sa titig ni Arn.

Mahal ko pa rin siya.

"Pero yve? Alam mo naman ang ginawa niya!"

Tumango ako. "Opo-- at ipapaalam ko rin sa kanya kung gaano ako nasasaktan."

Lumabas muna sina Papa. Naupo ako sa kama na hinihigaan ko, biglang lumuhod si Arn sa harapan ko habang nanginginig ang katawan sa labis na pag iyak.

"H-hindi ko alam kung-- kung anong dapat kong sabihin-- sobra akong nahihiya sayo."

Tangina, gusto kong yakapin mo ako pero gusto rin kita itulak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko Arn.

"Yve, lo-love ...patawad. Patawad hindi ako nakinig kasi naging bingi ako sa galit at selos ko, natrauma ako nung makita kang hinahalikan si Caleb kapalit ng paglaya ko--- simula noon, parang lahat ng gagawin mo, ganoon ang kapalit o mas higit pa."

Same Ground [COMPLETED]Where stories live. Discover now