Kabanata 21

24 1 0
                                    


Yve

MATAPOS ng lahat nag walang bahala ako sa masasakit na salitang natanggap ko kay Arn. Sinabi ko sa mga kaibigan namin na wag na ipaalam pa kay Arn ang nga ginawa ko. Gusyo ko ako nalang mag sabi noon.

BIYERNES ng alas kwatro ng hapon pagkagaling ko sa Cybernet Cafe, dumiretso ako para tingnan si Arn, ang sabi sakin ni Ate Shemei ay nakakatayo na daw siya at nakakalakad.
Hindi na ako nakadalaw nung makauwi siya dahil nagbabayad ako ng utang namin sa Renta ng Apartment.

Habang nakasakay sa Jeep, nakatingin ako sa usok na lumalabas sa tambutcho.

Sana pwede na ulit kami kumain sa Mang Inasal tapos unli rice ang kanya tapos ako hindi unlirice pero mabilis nyang nilalagay sa plato ko kapag naka extra rice na siya. Tipid tips kumbaga.

Sana pwede na ulit kami magkatabi matulog, pwede na ulit kami nakakapag kwentuhan ng mga bagay tungkol sa gusto namin sa Future.

Sana pwede na ulit ako sumampa sa kanya at magpabuhat, at umupo-- habang nagpupush up siya.

Sana pwede nya ulit ako tugtugan ng mga paburito naming kanta. Sana nahahalikan ko ulit siya.

NANG makarating ako sa bahay nila masyadong tahimik, nakasalubong ko si Jayb na may dalang payong at tubig.

"Si arn andyan ba?"

Tumango siya. "Nasa kwarto nya, natutulog po siguro."

"Sinong tao doon, siya lang?"

"Hmm opo umalis po sina Mamy para lumuwas, magdadala lang po ako ng tubig kina Kuya Jerich."

Nagdiretso na ako sa loob ng bahay nila. Wala na silang TV at Radio, maski electric fan ay naibenta nila.

"Arn."

Tiningnan ko siya sa kwarto nya. Ngumiti naman ako ng makitang nakatayo siya at nagbibihis.

Humarap siya sakin at tumaas ang dal'wang natural nyang kilay.

"B-buti ayos ka na. Pasensya na kung sinunod ko ang sinabi mo na lumayo muna ako--"

"Bakit ka pa nag pakita?" Sambit nya.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba siya galit na galit?

"Gusto ko lang ipaliwanag sayo ang lahat ng nangyari."

"Yve.. Madami pa akong aayusin sa buhay ko, pero patuloy ka namang nanggugulo. Oo na! Mahirap lang ako pasensya na kung pabigat ako sayo!"

"Arn! Wala akong sinasabing ganyan." Inis na sambit ko.

"Wala nga pero sa mga ginagawa mo --- pinagmumukha mo akong may kapansanan."

Tumitig lang ako sa kanya at nilapag yung Apples na dala ko.

"If you don't want me don't mess with my feelings!! Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang kasalanan ko arn? Kasalanan bang mahalin ka ng ganito? Kasalanan bang magpakatanga sayo--- andito ako kasi mahal kita at gusto na kita makasama. Arnzial, bakit mo ako sinasaktan ng ganito?!" Umiiyak na sambit ko.

"Umalis ka na. Wag kana pumunta dito. Hindi ko maatim na makita ka."

"Bakit? Bakit Arn? Bakit? Hindi kita maintintihan!"

"Pwes ipapa intindi ko sayo. Naalala mo nung nagkagulo sa Mama Resto? Ipinagpalit mo yung halik na 'yan kay Caleb para makalabas ako doon, so ngayon, anong kapalit ng mga pera na itinulong mo sakin sa ospital? Katawan mo ba ha? Masarap ba? Dun kana!"

Mabilis ko siyang sinampal. "H-hindi mo alam ang dinanas ko. Hindi mo alam kung gaano ako nag cram sa school. Hindi mo alam kung gaano kasakit mag isa habang pasan ko lahat--- Hindi--"

Same Ground [COMPLETED]Where stories live. Discover now