Kabanata 5

29 2 0
                                    

Kabanata 5

Arn

Upon changes to the schedule naks english --- Naging PM Shift ako.

Naka post na sa Schedule Board ang shift ng mga tao dito sa SubPoint, masaya naming sinusulyapan ni Pat ang Sched.

Nakapag desisyon na din kaming kahit may pasok sa school ay magpatuloy sa trabaho dito. Hindi nalang gawing Summer Job kundi Part time Job nalang.

AM Shift:
- Nanay Jenny
- Mickey
- Jen
- Pat
- Agapito
OIC: Mam Sheryl Ferma

PM Shift:

- Mery
- Walter
- Arn
- Bryce
- Yve
- Kuya Joey
OIC: Mam Myrna Olatea

Yes! Kasama ko si Yve. Matutuwa kaya siya? Kakayanin nya kayang mapuyat? Si Mam Myrna pa mandin OIC namin. Walang palitan sa OIC ng Shift dahil may sakit daw si Mam she at bawal magpuyat, pinaburan yon ng SubPoint Mngt.

"Yes! Magkasama kami ni Jen." Mahinang sambit ni Pat at tinulak tulak ako sa galak.

"Ayos nga e, kasama ko si Yve." Sambit ko.

"Pre, kaibigan kita, hindi naman hamak na may gusto ka kay Yve pero kilala kita Arn, post womanizer ka. Baka naman nagagandahan ka lang kay Yve?" Sambit ni Pat.

Actually, hindi ako nagagandahan kay Yve. Wala akong pakialam sa itsura, hindi naman din ako kagwapuhan, mabait lang. Ewan. Pero sya yung tipo ng taong ayaw ko malayo sakin.. Dito na nga lang kami nagkakausap at nagkikita sa SubPoint e.

"Hindi ba ako pwede magbago? Noon 'yon, nung panahong --- immature pa ako saka Highschool lang tayo no'n, naglalaro, curious."

"Nakakainis naman si Tita, pinayagan si Yve mag PM Shift."

"Edi ikaw mag Manager." Sambit ni Jen nag uusap sila sa couch.

Natahimik si Mickey at tinarayan kami nila Jen.

"Bakit hindi nagsusumbong si Mickey sa tita nya about satin bal?" Tanong ni Pat kay Jen.

"Tinakot ko. Pano'y gustong gusto nya si Arn." Pag irap ni Jen at tinapik ako.

Iba ang gusto ko.

"Gwapo mo talaga Par." Natatawang sambit ni Pat.

Kamusta na kaya si Yve? Masaya kaya siya sa Day off nya.

KINABUKASAN, alas syete pa lamang ng gabi ay nakarating na ako sa trabaho, inaabangan kong dumating si Yve. Bumaba siya sa Jeep.

"Namiss ki--- ka namin! Kamusta day off mo?" Bungad ko sa kanya.

Ngumiwi siya sakin.

"Okay naman. Enrolled na ako." Sambit nya.

"Yve!! Hindi tayo magka shift, sad naman." Bungad ni Jen hawak ang basahan.

"Okay lang 'yon, kasama ko naman si Mery. Okay na siguro kami, inadd nya ako sa Facebook e."

"Nag activated ka na?" Tanong ko.

"Yieee alam nya na nag deactivate si Yve" pang aasar ni Pat. Hindi ko siya pinansin.

"Oo naman! Inadd nga nila akong lahat pwera sayo. Famous ka ha." Sambit nya.

"Uy Yve!!" Paningit ni Aga.

NAGSIMULA na kaming pumasok sa PM Shift.

"Arn, ikaw na ang cook ngayon." Ani Mam Myrna. Ayaw nya akong mag service crew dahil lagi ko raw tinutulungan si Yve.

"Mery, turuan mo magkaha si Yve. Pero mag service crew ka rin Yve kasama si Aga at Bryce. Ikaw naman Walter, Prep ka para kontrolado mo ang tapa."

Same Ground [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon