AGKA (Part 54)

2.3K 111 20
                                    


Muhajil Pov.

"babylove." tawag ko kay ellah. Pero sinaman na naman ako ng tingin. Well sanay na ako! Ayaw niya talagang sweet ako sa kanya pag may mga tao. Sobrang conservative hmmp.

Andito na kami sa isla na pag mamay-ari nila capt. At hanep sobrang ganda ang aliwalas! yung tubig dagat parang ang sarap lumusong, napaka tahimik yun nga lang walang signal. dito kami sa kabilang bahagi ng isla kung saan dito kasi gaganapin ang kasal bukas. Opss birthday pala. Yun ang alam ni capt. Ang totoo niyan nagulat din ako nung sinabihan ako ni bossing sa plano niya. Hindi ito ang unang beses na napunta ako sa isla na to mga tatlong beses na ata, nung mga araw na wala kami ni bossing kasama si kuya nico at ilang wedding coordinator dito talaga kami nagpupunta para maiyus ang venue. Ang astig lang talaga ni bossing sobrang naging hands on siya. Sinigurado talaga niyang wala magiging aberya at lalong hindi makahalata si capt..

"asan si capcake?" tanong ko kay ellah nung makalapit siya. Suplada talaga! "napagod sa byahe nakatulog ata."

"eh ikaw bat dika nagpahinga?"

"ok lang ako. Kaylangan ko lang matiyak na magiging ok ang lahat. Araw ni Margaret bukas kaya dapat perfect ang lahat." sabay ngiti niya. At ang ganda talaga niya!

Sarap ibulsa.

"hayaan mo, pag tayo ang kinasal di man kasing bongga nito, kasi pulis lang ang jowa mo hindi CEO. sisiguraduhin kong sisiputin kita." seryoso kung sabi. Pero nakurot lang ako bweset masakit pero napangisi nalang ako. . "bweset ka talaga kahit kaylan. Tsee!" saka siya umalis. Natawa nalang ako, ang pikon e!

"to naman, ui babylove. Joke lang!" habol ko sa kanya. Langya, nagmistula kaming love team nag shooting naghahabulan sa tabing dagat.. Well hindi pa naman talaga kami ni ellah. Ewan koba sobrang pakipot, alam niyo yun? Gigil minsan. Pero kaylangan tiisin. Mahal ko e! Saka ramdam ko naman na mayroon siyang nararamdaman para saakin.. Pero tigasin kasi talaga siya, at sobrang manhid. Magkaugali sila ni capt. Magkalahi pa!

"ui..baby naman!"

"baby mo mukha mo, tigilan mo ako."

"sorry naman kasi. I love you!" bigla siyang napatigil. Kinilig ata.

ay mali!

"i love you? Yan din ba ang sinabi mo sa babae mo kahapon? Ha?"

Hu? Babae? Ganun ba ako kagaupo?

"teka lang naman! Anong babae? Sino?" takte wala akong maalala.. Patay na bay!

"ayan tayo e. Dali makalimut pero kung makangiti ka sa kanya kahapon, akala mo kayo lang tao sa mundo? Edi wow? Porket matangkad? Balingkinitan at mahaba ang buhok?" ismid niya. Ang kyut! Halikan ko to e.

"Teka naman. Sino ba yang sinasabi mo fake news ka babylo-- teka wag mong sabihin nagseselos ka kay maria?"

"ay sooo si maria pala a?"

Anak ng butiki. Paano niya nakita yun? Teka. Nagseselos siya? Hihihihihihih

bigla akong napangiti.

"walang nakakatuwa bweset. ilunod kita e." gigil niyang sabi. "nagseselos ka?" parang dun lang niya narealize ang ginawa niya. Pulang pula na siya ngayon. Bigla nalang siyang nag walk out.

The walk out queen.

"nagseselos ka. Ayaw mo pang aminin e."

"ei ano naman kung nagseselos ako?" pasigaw niyang sabi.

Sus. Naamin hmmp!

"edi kinikilig ako." sabay ngisi ko. Aalis sana siya pero hinila ko siya palapit saakin. Saka niyakap. Akala ko papalag e.

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora