AGKA ( 16 Part)

2.5K 139 16
                                    

DALAWANG linggo na ang nakakaraan ng matimbog namin ang grupo nila Linda, sabay na pinasok ng grupo nila pascual ang pinagtataguan ng pinuno nila  hind nakasama si linda nung araw nayun. Ako mismo ang humuli sa kanya sa apartment niya. Nakabalik narin ako sa serbisyo ko natapos na ang pagiging undercover ko, at sa condo ko narin ako umuuwi.
Simula ng araw nayun hindi kona rin nakita ang mukha ni Elyzer, tanging si lolo lang ang bumisita saakin nung unang mga araw dahil nagpasalamat siya saakin.
Pero naging madalang din di kalaunan dahil nasa out of town siya.
Hind narin ako nakabalik sa sa university dahil kasabay ng pagkahuli kay linda ay ang pagsabi na nag a undercover lang ako, si linda hindi ko masasabing Inosente siya dahil sa batas ng diyos at tao nakipagtulungan parin siya, at nahatulan ng limang taon pagkakakulong dahil hindi sapat ang sinabi niyang kinailangan niyang gawin yun dahil sa pag aaral niya, kumbaga  binabayaran siya sa bawat information na naibibigay niya, naawa ako sakaniya at nanghihinayang narin pero ginusto niyang mabuhay sa ganung paraan kaya wala na akong magagawa.
Si Elyzer naman minsan sinisilip ko lang sa school niya mula sa malayo, gusto ko siyang makausap para magpaliwanag pero natatakot ako. Baka lalo lang madagdagan ang galit niya saakin.
May bahagi ng puso ko na umaasa na sana totoo yung sinabi niya saakin na gusto niya ako dahil kahit hindi ko aminin sa puso ko nahulog narin ako sakanya, at ang sama ng tama dahil dumating ako sa point na ini stalk ko siya lalo na pag nalaman kong nasa bar siya minsan gusto kung pilipitan ang leeg ng mga babaeng nakikipaghalikan sakanya.. at gusto ko siyang pagsusuntukin dahil nakikipaghalikan siya sa mga babae.

"Capt Kape mo oh" si muhajil sabay upo. "Alamo capt. Mula ng matapos ang mission natin sa mga barber, ang tahimik mona i mean dont get me wrong a. 'English yun!'' sabay tawa niya. "Napapansin ko kasi yun saiyo, dati naman ang dali mo mainis sa mga joke ko, ngyon wala ka ng paki. Feeling ko tuloy naiwan ang puso mo sa mga barber" sabi niya. hind ako umimik..
Dahil nasapol ako dun. "Wag mong sabihin  capt. Na nainlove ka kay sir Ej. Nako masama yan." Sabay iling niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Bukod sa guapo yun,marami pang babae nahuhumaling dun, nako capt. Baka imbis na maging retired pulis ka kulongan ka babagsak dahil magiging criminal ka." Kaya binatukan ko siya "aray naman capt. Advance lang ako mag isip" sabay kamot niya sa ulo niya. Kainis!

"Nga pala kumusta ang kaso ni paolo diba kayo ni pascual at Martinez may hawak noun? Hind niyo paba nalalaman ang kuta nila lucas?"

Si lucas ang pumatay ky paolo. Gustong gusto kung hawakan ang kaso dahil nakapangako ako sa puntod ni paolo na ipaghihiganti ko siya, pero ayaw ibigay ni hepe. "Tungkol jan capt. Tumawag yung isa mga tao natin, namataan daw si lucas at si oscar na magkasama sa may sta.mesa pero nung suyurin nila nawala na naman. May sa pusa talaga ang hayop na yun" gigil niyang sabi.

Nagkukuwentuhan pa kami ni muhajil ng makatanggap kami ng radio mula sa isang station na may bank robbery sa may landbank sa bandang malate kaya bigla kaming napatayo ni muhajil at napatakbo.

Ako sa motor ko siya sa kotse niya..
Ito kasi ang gusto ko sa motor madali akong makarating pag emergency..

Dumating ako sa location, marami narin pulis ang nandun, si muhajil malamang naiipit payun sa traffic, ayaw kasi niya talagang sumabay saakin,dahilan niya gusto pa niyang mabuhay ng matagal.

Namataan ko sa di kalayuan si Martinez kaya agad ako lumapit sakanya.

"Kumusta anong sitwasyon sa loob?"
Sumaludo muna siya saakin bago ako sinagot. "Capt. Maraming hostage sa loob, my isang buntis."

"Ilan ang mga nasa loob na holdaper?"

"Nasa mahigit sampo sila capt. Armado din sila, malalakas ang kalibre ng baril na dala nila, my iilan narin sa kapulisan natin ang napatay ang iba sugatan dahil nakipaglaban sila kanina." Tumango lang ako. "Capt. Si muhajil pala?" Tanong niya.
"Naipit payun sa traffic " pag sagot.
"Anyway may hinihiling ba sila?"

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )On viuen les histories. Descobreix ara