AGKA (Part 44)

2.5K 114 13
                                    

__

Nagising akong ang sakit sakit ng ulo ko.

Hangover.

Ayaw kung bumangon dahil pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa sakit. Bat ba ako naglasing? Hindi naman ako naglalasing hays.

Ito kasing si kuya kung ano-anong sinabi na nakadagdag pa sa iniisip ko. Urgh!

Nakatingala lang ako sa ceiling ng maramdaman kung umuga ang kama ko. Tangna sinong demonyo natulog sa tabi ko? Hindi pa siya nakaka harap, binigyan kona siya ng sipa kaya nahulog siya ngayon sa sahig

"fuck"

Dinig kung daing niya..

Pamilyar..

"fuck my back, its hurt."

What the? Ej?

"Ba-babe?"

"ano bang problema mo at naninipa ka jan? Urghh."

"sorry, sorry! Akala ko kasi."

"akala akala, pagkatapos mo akong bitini-- tulugan."

"teka! Anong ginagawa mo sa kama ko bat andito ka---oh" bigla akong napahawak sa dibdib ko at pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala naman masakit sa pagitan ng hita ko. Nakabra pa ako.. Nakatingin ako kay Elyzer at ang sama sama ng tingin niya saakin. Masyado atang nasaktan..

"wala akong ginawa saiyo, kapal mo!" sabay tayo niyang paika ika..

Napalakas ata ang sipa ko.

Kagat labi akong nagtanong sakanya.

"dito ka talaga natulog sa tabi ko?"

"hindi! Dinaganan mo lang ako kagabi at dimo ako pinaalis." sagot niya. "sa susunod wag ka ng maglalasing, napaka sadista mong babae ka." anak ng.. "anong ginawa ko saiyo hoy." tawag ko kasi palabas na siya ng kwarto, himas himas pa ang likod niya.

Tamang tama naman na pakatok si prisca kasama ang apat na ulopong. Nako!!

"hehehe.. Tapos na kayo gumawa ng bebe?" sabi niyang nabitin pa sa ere ang kamay, at yung tatlo nakunwaring mga walang ginagawa. Huli naman na sila! Siguro si Muhajil mastermind na naman nito..

Hind ko nakikita ang mukha ni Elyzer pero panigurado nakakunot na naman. Natawa ako!

Bumangon na ako para mag hilamos, masakit parin ang ulo ko, pero hindi na katulad kanina.

"bossing anong nangyari saiyo? Bat ganyan ka maglakad?" si muhajil.

"Oo nga dude? Namatanda kaba?"

Namatanda?

"nako alam na."

Dinig kung sabi ni Russell. Sabay sabay silang nagtawanan..

"ginapang mo ba?"

"mga baliw pag di niyo ako tinigilan kayo papagapangin ko. Ouch!" Dinig ko ulit ang daing niya..

Ano ba kasing naisipan mo Margaret at sinipa mo??

Buti nga hindi yun malakas.. Sorry naman siya e ikaw ba naman gumising ng may katabing lalaki, kaloka!!

Pagkatapos kung mag hilamos at toothbrush.

naghanap ako ng maisusuot ko. Ito kasing si prisca mamimili lang ng isusuot ito pang damit nato..

Nagsout ako ng short at spaghetti strap na pambahay lang naman. bago ako, lumabas inayus kona rin ang suot ko. At sa totoo lang masakit padin ulo ko, buti nalang sabado at walang duty.

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon