AGKA (Part 49)

2.4K 125 21
                                    

Stay strong lang tayo.
Kakapit hanggang
dulo ❤️♥️
Lahat ng ito may
Dahilan.
Kaya walang susuko.

YOBERT pov.

Maigi kung pinag aralan ang report na binigay saakin sa huling kaso na pinahawakan  saamin, pero dahil nga nasa America si Captain Margaret para sa love life niya ako na muna. Hindi narin naman mahirap, sadyang di ako sanay na magisa, kaya nakinausap ako kay  hepe na baka pweding ipagkatiwala ako kay Pascual. Wala kasi akong tiwala dun heheheh.
Actually ok naman si Pascual it just that masyado siyang seryoso. At madaling mapikon!

Anyways ito nga at para akong may exam na nakakatutuk sa binabasa ko pero wala naman pumapasok sa isip ko.

Hindi mawala wala sa isip ko yung nalaman ko tungkol sa pag kidnap kay capt. At sa taong nasa likod nun. ilang buwan na ang nakakaaraan, and actually hindi ako sigurado kung ipapaalam ko ito ngayon.
Baka kasi umuwi bigla yun at sumugod. Nako mainitin pa naman ulo. Baka sumugod agad sa gyera.

Pero hihintayin ko nalang next week naman uuwi na daw siya at magrereport. Sana all talaga may 1 month leave tapos sa america pa. Hehehe!

"sinasabi ko na saiyo tigilan mona yang pambabae wala kang mapapala jan." si Pascual na may pag pitik pa sa noo ko kaya sinamaan ko ng tingin.

"Puro babae nalang alamo, hindi ka naman marunong manligaw." ganting biro ko, na kinatahimik ng huli. Malakas talaga tama niya noun kay capt. Kaya torpe ayun naunahan!!

"tss. Kanina pa kita kinakausap! Ang lalim ng iniisip mo, nagtaka nga ako baka malunod ka, dika pa naman katangkaran." sabay ngisi niya, anak ng teteng! Hambalusin ko kaya ang bweset nato.

"at least ako marunong mag isip. Ikaw ba?-- Ay wala ka pala noun."

"tss."

"ano bang kaylangan mo?" seryoso kung tanong, baka mapikon na naman mahirap na.

"bukas pupuntahan natin yun sinabi ng asset natin, para matapos na tong mission nato, ilang linggo na natin tong ginagawa."

"ok lang naman kung ngayon na."

"mag isip ka nga, bukas yung palitan nila ng droga. Pero ok naman na mauna ka dun para mag manman, hintayin mo nalang kami." sarcastic niyang sabi. Na kinatawa ko!

See ang dali talagang mapikon, tatanda to bigla..

Ilang orasan pa ang dumaan at sa wakas uwian na.

Kaya heto ako, sakay ng kotse kung pamana pa ng ninonu ko pauwi na sa tinitirahan kong apartment.

Totoong pamana to kaya kahit gusto na minsan itapon ni capt. Di niya magawa, sinabi ko kasing my sumpa ito. Hehehehe

Duman na muna ako sa kalenderya para bumili ng pagkain dahil tinatamad na akong magluto.. Ganito talaga pag single. Kung itatanong niyo bat wala akong girlfriend its simple! ayaw ko muna, mahirap ang trabaho ko bilang pulis, at isa pa may pinapag aral pa ako, hindi ako katulad ni captain Margaret na may kaya, ewan ko ba bat pinili niyang mag police kung pwedi naman siyang maging presidenti ng pilipinas este ng  company nila. Kaloka din kasi utak ng babaeng yun. Minsan dimo gets!

Buti nga ngayon nabawas bawasan ang mission namin, dati halos lahat sa amin na. Kasi lagi niyang kinukuha kahit hind naman sa kanya. Nagpapasalamat din ako at marunong na mag leave, dati rati kasi walang leave sa trabaho ibang klase!

Ganun siguro pag may jowa na.

Pag patong ko palang sa mga dala ko sa kusina saka naman tumunog ang cellphone ko.

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Where stories live. Discover now